The Artist's Vixen
28-Numerous regrets
Pagkagising ko ng sumunod na araw ay wala na si Xenon sa tabi ko. My heart throbbed. Of course! Why would he stay? Pandalian lang talaga ako sa kanya. Halo ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil ilang ulit kaming nagtalik kaninang umaga o malulungkot dahil wala siya sa tabi ko kinaumagahan. I was frustrated.
Habang naliligo ay marahan kong nilinisan ang katawan ko. I want every part of my body that he had touched tp be erased. Ayoko ng bakat ng kahit anong kissmark at dumi. Pagkatapos kong naligo ay huli ko ng nakita ang mga marka na ginawa ni Xenon sa collarbone ko pababa sa pusod. There's also in my thighs!
Nanghina ako at biglang naduwal. Agad akong tumakbo papunta sa toilet upang iluwa lahat ng kayang iluwa ng tiyan ko. Patuloy ang pagbaliktad ng sikmura ko. I can't handle the sound I was making while vomitting. Nang natapos ako sa pagsusuka ay napahinga ako ng malalim at napasandal sa malamig na pader ng banyo. I bit my lip.
The first thing that popped inside my head is that if I am pregnant. Napahawak ako sa puson ko. Umiling ako. "Ang bilis naman...fuck!" Biglang naalala ko, na minsan lang gumamit ng proteksyon si Xenon kapag nagtatalik kami. Shit.
I stood up and looked at the mirror. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Lalong gumulo ang isip ko. Paano ko sasabihin kay Xenon ito? Would I even dare to? May lakas ng loob pa ba ako? I pushed him away so many times! Ilang beses niya din akong sinaktan.
Right. Hindi ko na sasabihin sa kanya. I don't have to.
Tinapos ko ang morning rituals ko at bumaba na para mag-almusal. Nasa isip ko pa rin ang bata sa sinapupunan ko. I'm still not sure about it. Kung meron nga talaga o kabag lang sa tiyan ito.
Naabutan ko sina Mama at Dad na nag-aalmusal. I got nervous and simply sat down beside Dad. "Good Morning Dad, Ma." I smiled.
Mama smiled and so did Dad. "So, anak. I was wondering, if you want to continue your studies?" Dad started.
I bit my lip. Kung magpapatuloy ako ng kolehiyo, paano ang anak ko? But then again, I am not sure if there's really a baby in my belly. I shrugged and smiled. "Hmm, pwede din po Dad."
Lalong lumawak ang ngiti ni Mama. "Anong kurso ang balak mong kunin? It would be great if its related to our business."
Tumango ako bilang pagsang-ayon. "I got you an application form from LAU. Kilala ko ang may-ari no'n. He's a good friend and he'll help us for you to enroll there, kahit late na." Dagdag pa no Dad.
"LAU? Yung eskwelahan ko dati noong highschool?" I was unsure of it. Marami akong kilala doon, staffs and even teachers. Baka mahalata nila na freshman pa lang ako after all these years. "Uhm... I don't know Dad." Iling ko.
"Bakit anak? You should be comfortable there, nandoon ang mga- oh! Right. Halos lahat na pala sila ay graduate na." Malungkot na sabi ni Mama.
"There's no need to be ashamed anak. May ipagmamalaki ka naman." Dad commented.
Napangiti nalang ako. Dad giving me encouragement right now is a first time for me. I felt happy. At parang gusto niya talaga na doon ako mag-aral. "Okay Dad. I'll try my best."
That was it. It was settled. Mabilis lang akong nakapag-enroll sa eskwelahan ko dati. Hindi na ako nagpresenta pero kailangan ko parin pumunta doon para sa mga papeles na pipirmahan since late enrollee ako.
Maaga pa akong nagising ng umagang iyon. Naisipan ko na maagang pumunta sa unibersidad para makahabol sa 10AM appointment ko sa isang OBgyne.
I want to make sure. Isang beses lang akong nagsuka. That was last week. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasundan iyon.
BINABASA MO ANG
The Artist's Vixen
General FictionWith a twist and flick of the brush, Xenon can be the picasso of his own generation. Sa pagiging mahusay sa larangan ng sining sa murang edad ay wala ng mahihiling pa si Xenon. He has it all, the talent, the looks and the appeal but except for one...