TAV~Twenty-five

548 7 1
                                    


The Artist's Vixen

25- Reunion

Bumalik kami ni Warren sa loob ng bar. Sabi niya ay naiwan niya ang cellphone niya sa may counter. Malakas ang kutob niya na tinago iyon ng bartender na siyang kaibigan niya din.

Sumunod ako sa likod niya. Halos lahat ng madaanan namin ay kilala niya. Nakangiti sa kanya at binabati siya.

Pagkarating namin sa counter ay ngumisi lang bartender sa aming dalawa. "Had a quickie?" Mapanukso nitong tanong.

I gulped. Well, it wasn't really a quickie.

"Pucha, pare! Ibalik mo cellphone ko!" Natatawang sabi ni Warren.

May dinukot ang bartender sa bulsa niya at hinagis ito kay Warren. "Oh! Kanina pa nagvivibrate iyan." Sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Salamat, pre!" Pasalamat ni Warren.

Tatalikod na sana kami ng tawagin siya ulit ng bartender na kaibigan niya. "Warren!"

Nilingon namin ang kaibigan niya at lumapit. "O bakit?"

"Nakita ko kanina si Xenon dito. Naalala mo ba siya? Yung kaklase nating nagtransfer noong highschool." Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. Xenon is here?

And wait what? Magkaklase sila noong highschool? What the hell? Then I suddenly remembered the name 'Warren'. Siya dapat yung kapares ko sa pageant, hell! He's the reason why I was partnered with Xenon as his proxy.

"Ah oo! Lintek! Asan siya? Wala na akong balita sa kanya." Nagagalak na sabi ni Warren.

"Nandoon siya." Turo ng kaibigan niya sa mga sofa na may mga babaeng nakaupo.

"Lintek pare, nag-iba na si Xenon. Una nga hindi ko siya nakilala kasi matagal na natin siyang hindi nakita. Kanina nandito siya sa counter kaso biglang hinatak na ng babae, lasing na lasing eh." Kwento nito.

Sumikip bigla ang dibdib ko. He's with a girl that quick? Kunsabagay ako din naman. I kissed Warren that quick. We're even.

"Sige Pre, kakamustahin ko lang. Baka nasa huwisyo na kasi maraming babae na ang nakapalibot sa kanya." Sabi ni Warren at lumingon sa akin. "Veen, pupuntahan ko lang yung classmate ko noong highschool tapos ihahatid na kita pauwi. Tara." Kinuha niya ang kamay ko at hinatak na.

A part of me wants to see Xenon but a part of me doesn't want to get hurt. Alam kong may kasama siyang iba ngayon. Thinking of it makes my heart suffer from pain.

Sa huli ay hindi na ako nakaatras. Nakarating kami kung nasaan si Xenon. Lasing na lasing siya at may katabing babae. May mga lalaki rin sa sofa may mga babaeng kahalikan.

"Xenon!" Tawag ni Warren.

Napaangat ng tingin si Xenon kay Warren. He's drunk and can't even open his eyes. Then he's eyes darted to me. Napaatras ako. I hope he won't recognize me.

Unti-unti siyang tumayo at napahawak ako sa damit ni Warren. Lumapit siya sa amin. Lumawak ang mata niya at nanlisik.

"Ang bilis mo namang makahanap, Veena." He huskily said.

Kumurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. I bit my lip.

"No wonder. Dito ka lumaki eh. Sa pagbabalandra ng katawan sa bar. You're really damn fond of it, hindi ko na kukwestyunin kung bakit ang bilis mong magpalit ng lalaki." Natatawa niya sabi. My chest throbbed again.

Narinig kong suminghap si Warren sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya at nahuli ko din siyang nakatingin. May gulo sa kanyang mata.

"What...a....slut!" Mabilis pa sa alas kwatro tumama ang kamao ni Warren sa pisngi ni Xenon ng sabihin niya iyon.

The Artist's VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon