The Artist's Vixen26- Game
Napahinga ako ng malalim at nilagay ang brush sa ibabaw ng dresser pagkatapos kong maglagay ng make up. I did a light make up. Tumayo ako at tiningnan ang suot ko.
It's a party dress since the reunion party starts at seven in the evening. Panigurado ay magyayayaan ng night out kaya ito ang sinuot ko. Its a silver dress and I partnered it with black pumps.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko. I saw Warren's message.
Warren:
I'm here :)
Kinakabahan ako, iyon ang totoo. Okay so what if I see him again? Ano ang gagawin ko? Should I be tough? Or weak to the knees that if he says to come running back in his arms, I'll be as fast as a cheetah to hug him?
I can be both and I hate it.Bumaba na ako at nagpaalam kina Mama at Dad. Tumakbo na ako papalabas ng gate at nakita ang sasakyan ni Warren na nakaparada sa labas ng gate.
He smiled at me and opened his car's door. Pumasok na ako at sinara niya iyon. Umikot siya papuntang driver's seat.
"Seatbelts please." Paalala niya.
I reached for the seatbelt and buckled it. Sa muli ay huminga ako ng malalim.
"You okay, Veena?" Warren asked.
Napatingin ako sa kanya. It took me seconds to nod and said yes. His brow raised.
"I don't think so." He disagreed. "Sabihin mo lang kung ayaw mong pumunta sa reunion." Dagdag niya pa.
I looked at him. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba o hindi. Natatakot ako. Pero dahil nandito na ako sa lagay na ito ay ayaw ko namang ibalewala ang effort ni Warren.
I shook my head. "No, let's go. Kung ano man ang mangyari sa party, so be it." I smiled afterwards.
Umandar ang sasakyan niya at umalis na kami ng subdivision. Sa gitna ng byahe, I felt my stomach sank like somehow, I'm gonna throw up. I gulped at the feeling.
Nakarating kami sa venue lagpas na ng alas syete. The music from the inside boomed when I got out of the car. Sa school gym ang venue. It gave me a nostalgic feeling and somehow, I managed to smile.
Warren gave me his elbow and he grinned. "Shall we?" Pinulupot ko ang kamay ko doon at naglakad na kami papasok ng gym.
Everyone we knew greeted us, from teachers and schoolmates. Nang makapasok ay agad sinalubong ng pag-akbay si Warren ng mga kaibigan niya noong highschool at doon din kami sa table nila umupo. The guy named Paolo o mas kilala sa tawag na Paoie ay inacknowledge din ako.
"Remember Miss Intrams?" Turo niya sa akin at napangiti naman ako sa hiya.
"But of course! Veena Bishamonte!" Sigaw ng isa at nagtawanan ang lahat.
"Warren, Pare! I saw Summer somewhere, bakit hindi siya ang partner mo ngayon?" Sabi ng isang lalaki at agad siyang siniko ng babaeng katabi niya. Napatingin agad ito sa akin. "Oh, I'm sorry." Pasensya niya.
Umiling agad ako sa inakto niya. "Wala iyon, hindi naman kami ni Warren. Magkaibigan lang kami." I said.
Tumawa at sumang-ayon si Warren. "She's right. Balita ko ay nandito din si Uno kaya pumunta ako dito." Sabi niya.
"Uno? Uno Jose Blancaflor?" Pag-uulit ni Paoie.
Tumango si Warren. "You know, Summer's date this evening."
Naghalakhakan sila. "Ahhhh. So that's the real deal." Lumapit si Paoie kay Warren. "Mali siguro ang nakarating sa iyong balita. Summer's date tonight isn't that business tycoon, her date tonight is the successful painter. Yung kabatch natin."
Kumunot ang noo ni Warren. "Painter? Sino-"
"Hi Kuya!" Someone interrupted Warren and its from my behind. Napalingon ako at halos naging halata ang pagkagulat ko ng makita ko si Xenon na may kasamang babae.
Its damn true.
He is here and I am fidgetting from the inside.
Damn.
"Summer, I thought this is our batch's reunion? Hindi sa inyo right?" Buwelta ni Warren.
Tumawa si Summer. "Naku naman Kuya. Syempre niyaya akong maging date ni Xenon De Matias."
Ngumiti si Xenon kay Warren. Napatayo si Warren at inabot ang kamay. "Of course, my bestfriend. Kamusta?" There was something inside Warren's every word.
He smirked. That guy smirked! "I'm fine. Namiss kita. Namiss ko kayong lahat." Sabi niya at napatingin sa iba na halatang naaawkward na sa kanilang tatlo.
I tried my best to look away, not to interfere but Summer called my attention. "Kuya, is Veena Kamil you're date tonight? Grabe, umaasenso ha?" She giggled.
"Ikaw nga eh, you managed to enter in this reunion na kahit ang date mo ngayon ay hindi naman grumaduate dito." Warren said.
Xenon tsked. "Ganyan talaga. If you'll excuse us..." sabi niya at umalis na sa table namin.
Napaupo si Warren sa upuan niya at huminga ng malalim. Hinimas ko ang kamay niya. "Calm down, Warren." Pagkakalma ko.
"How did he managed to get inside? At si Summer pa ang kadate niya. He's getting inside my nerves. Nakakainis na." He whispered angrily.
"Nagseselos kalang e." I said.
Tumingin siya sa akin. "Ikaw ba, hindi nagseselos? Halatang pinagpapaselos ka niya? He's hitting two stones here, Veen. Shall we play his game?" Warren asked me.
"Are you sure he is having this game?" I assured him.
"Oo naman. Halatang-halata. Come on, let's dance." Hinigit niya ang kamay ko para sumayaw sa dancefloor.
We danced in the different sets of music. Habang sumasayaw ay nahahalata kong inentertain ako ni Warren sa pamamagitan ng pagkukwento sa akin pero ang mga mata niya ay kina Xenon at Summer na sumasayaw din. He's diverting his attention to me so that he's temper will not explode.
I stopped dancing.
"W-What's wrong?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako at napangiti ng tipid. "I guess you need to stop hurting yourself Warren."
His forehead creased. "I'm not hurt. I know he's just doing this to hurt the both of us. Naapektuhan ka ba?"
Nilingon ko sina Xenon at Summer na ngayon ay parang maghahalikan na sila sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Oo, naapektuhan ako kahit alam ko ang ginagawa niya. Masakit.
"I...I want to go home-"
I froze when I immediately felt Warren's warm lips on mine. I heard few gasps and it added when Warren began to move his lips and grabbed my hips closer to him. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw o aalis sa bisig niya dahil alam ng isip ko na gusto ko nang kumawala.
The kiss lasted a minute then he pulled himself away from me and bit his lips. Estatwa pa rin ako sa ginawa niya. I didn't know what to do. Ang unang pumasok sa isip ko ay tingnan si Xenon sa likod ko at saktong nakita ko na tulala siya at huminto sa sayawan nila ni Summer. Bumalik ang tingin ko kay Warren na parang may bahid ng satisfaction ang mukha niya. He smirked.
Doon lang ako bumalik sa realidad na mali ang ginawa ni Warren. Pinagseselos niya si Xenon at Summer! He's playing Xenon's game, hitting two birds with one stone! Umatras ako sa kanya. "What the hell?" Napalingon ako ulit kay Xenon pero huli na. Nakita ko siyang papalabas ng venue at hinahabol ni Summer. My attention diverted again to Warren.
"Bakit mo ginawa iyon?!" I frustratedly said.
He shrugged. "He kissed my Summer, he touched what's mine so I'm touching his property."
"I'm no one's property!" I hissed.
He chuckled. "Yeah, then why did he reacted like that?" Sabi niya at naupo pabalik sa upuan namin.
I sighed.
BINABASA MO ANG
The Artist's Vixen
Художественная прозаWith a twist and flick of the brush, Xenon can be the picasso of his own generation. Sa pagiging mahusay sa larangan ng sining sa murang edad ay wala ng mahihiling pa si Xenon. He has it all, the talent, the looks and the appeal but except for one...