The Artist's Vixen5- Help with uttering words
And again, I did the thing I am very good at- running away. Tumakbo ako papalabas ng restaurant na umiiyak. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko pa rin mahanap sa sarili ko na patawarin si Dad kahit na sinabi sa akin ni Kuya na may sakit ito. Hindi ko pa kayang magpatawad. I felt alone after Mom's death and what I wanted was his attention but he never gave it to me. What's worst is that, I don't have the courage to face him. Para bang hindi ko kayang makita na nakaratay siya sa ospital. Not now, not now Dad.
Pinara ko ang taxi at naisipan ng umuwi. Kahit sa loob ng taxi ay iyak parin ako ng iyak. I wanted to miss Dad but there is nothing missable about our memories together. Kung meron man iyon ay kasama si Mom. Yun ang klaro, namimiss ko na si Mom hindi si Dad. I am an awful daughter because I can't bring myself to miss or even forgive my own father.
Pagkababa ko sa boarding house ay nagulat ng makita ko si Celine sa labas at nasa gilid ng gate ay may mga gamit. Bumaba kaagad ako.
"Celine!" Tawag ko sa kanya at napalingon siya sa akin.
"Hay salamat!" Tumakbo siya papalapit sa akin. "Ate, pinalayas kana sa kwarto natin." Sumbong niya.
"Ha? Diba sabi ko bigyan pa ako ng palugit?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Eh yun nga Ate. Sinabi ko naman sa kanya pero nagmatigas talaga siyang palayasin ka! May bagong boarder na kasi doon sa kwarto natin." Nakakunot niyang noong pagpapaliwanag. "Kanina pa kasi kita tinatawagan, hindi kita makontak. Asan ba phone mo?" Tanong niya.
Kinapa ko sa bag ang phone ko at kinuha ito. 'Nak ng! Lowbat pa talaga. "Pasensya na, Celine. Nalowbat kasi ako. Umalis kasi ako kaninang, isang battery lang tapos busy pa doon sa restaurant. Pasensya na talaga." Paumanhin ko sa kanya.
Umiling siya. "Ano ka ba Ate! Wala iyon. Ang pinag-aalala ko lang, saan ka ngayon tutuloy? Hinintay talaga kita dito sa labas kasi nga alam kong hindi ka na papapasukin ng landlady natin."
Napakagat ako ng labi. Nag-isip kung kanino ako pwedeng tumuloy pansamantala.
"O, ano na? Kung wala Ate, pwede ka naman muna sigurong mag-lodge. Sa gabi lang naman o di kaya, pakapalan nalang ng mukha. Kausapin nalangnatin yung landlady natin." Suggestions niya at ang pinakahuli nalang talaga ang kaya kong gawin. Ang magpakapalan ng mukha.
Tumango ako. "Kausapin ko nalang siguro, wala talaga akong kilalang matutuluyan ko eh." Napanguso din ako papasok ng boarding house.
Pagpasok ko ng boarding house ay hindi pa ako nakakatungtong ng lobby ay hinarangan na ako ng landlady namin. "Kung magmamakaawa ka, Veena. Tamad ako ngayong magbigay ng awa o baka pwede mo ng bayaran ang utang mo."
"Aling Ising, pwede po bang mag-extend? Sige na po oh. Hindi pa po kasi kinse, kaya wala pa akong sweldo." Pagmamakaawa ko.
Huminga siya ng malalim. "Alam mo Veena, hindi lang ikaw ang nangangailangan ng pera. Kami rin, tandaan mo iyon. Eh kung ako lang, hindi kita papalayasin kaso ang may-ari na mismo ang nagsabi na palayasin ka na."
"Grabe naman, Aling Ising." Komento ko.
"Pasensya kana, Veena. Wala na akong magagawa." Huling sabi niya bago pumasok na sa boarding house.
I sighed in defeat. Grabe talaga 'to! Napatingin ako kay Celine.
"Oh, anong plano mo ngayon?" Tanong niya sa akin.
I shrugged and started walking my way towards the gate. "Hindi ko alam, Celine eh. Pagod na pagod pa talaga ako ng pumasok 'tong problemang ito." Napakamot ako ng ulo ko.
She crossed her arms. "Kung may maipapahiram talaga ako sayo Ate, napahiram ko na kanina pa. Kaso wala eh. Sorry."
"Ano ka ba, Celine. Okay lang. Sus. Magiging okay lang ako." Ngiti ako. "O sya, magsisimula na akong maghanap ng taxi para maihatid ako sa lodge. Pagod na kasi ako eh."
Tumango siya. "Sige, samahan nalang kita." Inakbayan niya ako at naghanap na kami ng taxi na masasakyan ko.
Sa may highway kami naghanap ng taxi dahil hindi gaano pumapasok ang mga bakanteng taxi sa loob ng eskinita. Papara na ng bakanteng taxi si Celine ng may ranger na puti ang huminto sa harap namin. Siniko ako agad ni Celine. Pinasadahan ko ng tingin si Celine na nakasuot ng maikling shorts at ako naman na nakapantalon.
"Nakashorts ka kasi." Bulong ko sakanya.
"Eh? Ano to, kanto girls ganoon?" Tanong niya sa akin.
"Ano pa nga ba ha?" Pag-irap ko.
Napatingin kami sa sasakyan at may bumaba sa driver's seat. Muntik na akong mawalan ng balanse ng makita ko si Xenon na nakakunot ang noo. "What do you think you're doing, Veena?"
Kumunot na din ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo diyan?" Tanong ko.
Tinuro niya kami. "That. Bagong raket mo?"
I heard Celine gasped. "Hoy! Lalaking maburangos!" Pagsugod niya kay Xenon at pinagtuturo niya pa ito. "Porke't na nakashorts kami, akala mo mga pick-up girls kami? Nako, Nako-"
"Celine!" Saway ko at hinawakan ang kamay niya para pigilan pero iniwas niya din ito agad.
"Hindi Celine eh! Hindi. Aba't ang bastos ng lalaking ito ah. Bakit sino ka ba ha? May karapatan ka na bang husgahan kami ng ganoon?" Galit na pagpuna ni Celine.
Napahawak ako sa mukha ko. Nakakahiya si Celine at dito pa mismo sa kalsada, hindi niya pa pinaglagpas. But Xenon remained calm, nasa bulsa niya ang kanyang kamay at umangat ang isang gilid ng labi niya. He's telling that he's amused of Celine's attitude.
"But I am not judging the two of you." Simpleng sabi niya. "Nagtatanong lang ako kay Veena kung ano ang ginagawa niya at bakit nandito siya? Besides, you're not even my type Celine." Hambog nitong sabi.
Napaatras si Celine. "Aba-aba! Grabe ka ha. Para sabihin ko sayo, lalaking maburangos at bastos. Madaming mayayamang lalaki ang nagkakagusto sa akin, maraming gustong tikman ang kamandag ko-"
"But I don't. So what's the point of telling me this?" Grabe talaga! Burn si Celine sa kanya.
Nanggigigil na tumili si Celine. "Ay nako! Ewan ko! Kainis! Veena, diyan ka nalang sumakay total naman mukhang kaibigan mo naman ang hambog na iyan. Makakatipid ka pa sa taxi! Kunin ko lang yung mga gamit mo." Umalis na siya. "Imbyerna!" Rinig ko pang sigaw niya.
Napakamot ako ng ulo at hindi makapaniwala sa inastang ugali ni Celine. Nahirapan pa akong tumingin ulit kay Xenon. "Pasensya na kay Celine." Maikli kong sabi.
"You're worst tho."
May inis na sumipa sa sistema ko dahil sa sinabi niya. So he's saying that I am worst than Celine's attitude? Aba, gago siya ah."Ewan ko sayo! Imbyerna ka talaga." Singhal ko sa kanya at naghanap na ulit ng taxi.
"Bakit ba naghihintay ka ng taxi?" Rinig kong tanong niya.
"Paki mo?" Pagsusuplada ko.
He sighed. "Look, I'm trying to help here."
"Eh sa hindi ko kailangan ang tulong mo kaya kung pwede ba, umalis ka na?" Pagtataas ko ng kilay.
"You're definitely worst than that girl, Veena." He even concluded.
Napatingin ako sa kanya at nanliit ang mga mata ko. "Oo nga! Ako na. Alis na, alis-aaaaaa!"
Mabilis niya akong binuhat na parang sako ng bigas.
"Xenoooon! Ibaba mo ako! Tangina ka!" Sigaw ko.
Naglakad siya papunta sa passenger's seat at binuksan iyon. Walang problema niya akong pinasok sa loob at mabilis na sinuot sa akin ang seatbelt. Kahit anong palag ko ay hindi ko kaya ang lakas niya.
"Xenon ano ba!" Sigaw ko. "Ibaba mo ako dito! Hindi ko kailangan ang tulong mo, gago ka-" Napahinto ako sa pagsasalita ng sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.
I heard him smirk. "Oh really? You don't need my help?"
"Uh- Uh...I-I- d-"
"I think..." Nanliit ang mata niya. "...you need some help uttering the right words." He smiled and kissed me like he did when we were sixteen.
BINABASA MO ANG
The Artist's Vixen
Ficțiune generalăWith a twist and flick of the brush, Xenon can be the picasso of his own generation. Sa pagiging mahusay sa larangan ng sining sa murang edad ay wala ng mahihiling pa si Xenon. He has it all, the talent, the looks and the appeal but except for one...