TAV~Thirteen

578 11 0
                                    


The Artist's Vixen

13-Theory

Yung mga tanong na gusto kong itanong kay Xenon ay umurong ng makita ko ang kalagayan ni Lin. May sugat ito sa noo at putok ang labi niya. Namamaga din ang kanyang mukha.

Wala si Xenon sa pribadong kwarto ni Lin. Tanging ang nanay lang nito ang nandoon.

"Kaibigan po ako ni Lin, kamusta na po ang kalagayan niya?" Nag-aalalang tanong ko.

Namumugto ang mga mata ni Aling Kling, bakas ng kakaiyak. "Kilala kita, ikaw si Veena hindi ba?" Tanong niya at tumango ako. "Sabi ng doktor, okay na daw ang kalagayan niya. Pero hindi ko matanggap ang kababuyan na ginawa ng taong gumawa sa anak at apo ko nito." Muli nanamang umiyak si Aling Kling.

Hinagod ko ang likod niya at naupo na kami sa gilid. "Si Zean po? Kamusta siya?" Tanong ko.

"May iilang galos si Zean, nadischarge siya kaninang umaga, sinama siya ng tatay niya pauwi." Pagkukwento niya.

I bit my lip. My mind's contradicting with my heart. Gusto ko talagang paniwalaan ang sinabi ni Xenon na magkapatid sila ni Zean pero ang hirap gayon pa na ang mga taong nakapaligid ay ang sinasabi na si Xenon ang ama ni Zean.

Naninikip ang dibdib ko sa sakit kahit na wala naman ako sa lugar na masaktan. Ni hindi ko nga alam kung ano kami pero ramdam ko na may kakaibang kahulugan ang mga titig niya sa akin.

Nagpaalam ako kina Aling Kling at nangakong babalik ulit para bumisita. Imbes na bumalik sa trabaho ay umuwi ako. Wala ako sa sarili kung magtatrabaho pa ako. D naman ako ganito dati, kung may problema man ako ay hindi ko iyon pinapaapekto sa trabaho ko.

Pero ngayon, wala akong lakas. Pakiramdam ko ay magiging sagabal lang ako kapag pumasok akong wala sa sarili.

Pinindot ko ang combination lock sa unit ni Xenon. Pagpasok ko ay tumambad sa akin si Zean, naglalaro ng mga laruan. Naestatwa ako ng makita ko ang bandage sa tuhod at leeg ng bata. Kumunot ang noo ko, bakit inuwi ni Xenon ang bata kung ganito ang kalagayan niya?

Maya-maya pa ay nasa living room si Xenon, galing siya ng kusina. May hawak siyang bote ng gatas. May pagtataka sa mukha niya. "O, bakit ka nandito? Akala ko may trabaho ka?" Tanong niya.

My lips were pressed together before I answered him. "Uh, M-Masama ang pakiramdam ko." Alibi ko. Dideretso na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Natigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Bakit?"

Hindi siya sumagot. Instead, he placed his hand on my forehead to check on my temperature. "Wala ka namang lagnat." Nilatag niya sa sofa ang bote ng gatas. He cupped my face and he's face was a few inches away from mine. I felt my face heating up kaya umatras ako papalayo sa kanya.

Nagulat siya sa ginawa ko. Binaling ko ang atensyon kay Zean. "Uh, painumin mo na ng gatas si Zean. Magpapahinga muna ako sa kwarto-"

"Last night, Lin and Zean were hurt. Kaya tinawagan ako ng nanay ni Lin. I was worried kaya hindi na ako nakapagpaalam say-"

"Save it, Xenon. Hindi mo naman kailangang magpaliwanag. You're just doing your duties, labas na ako doon." Putol ko sa kanya. Gosh. I sound bitter and mad. Kahit na tinatago ko ang inis at sakit ay susungaw at susungaw pa rin sa tono ng pananalita ko.

"I owe you one, Veena. You were alone here last night." Sambit niya.

"So, ano ngayon? Sanay na akong mag-isa. Its not a big deal to me." I tried to sound calm.

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "If its not a big of a deal to you then why act like its a big deal? Ang tono ng pananalita mo, halatang galit ka sa akin. I'm saying my sorries here, Veena."

I couldn't utter a word. He already cornered me. I tried to smile and succesfully, I did. "Apology accepted." Sabi ko at pumasok na ng kwarto bago niya pa mapigilan ulit.

Napahiga ako sa kama at blankong nakatingin sa kisame. I sighed. I am not that good at hiding feelings, huh? Muntikan na ako doon pero kahit na muntikan ay alam kong alam ni Xenon na may dinaramdam ako.

When I saw Zean outside, even before Xenon came out from the kitchen, pinagmasdan ko ito. Sa unang tingin palang ay talagang kamukha nito si Xenon. There's now way that they would only be brothers.

Now, I realized. This is where I stand. Kung ano man ang nangyari sa amin ni Xenon, doon nalang iyon. We're more like fuck buddies. No feelings, no strings attached. I shouldn't interfere with his life eventhough I was dying to know how he's life went and how he came up to this point.

Hapon na akong nagising. Nakatulog ako dahil sa pag-iisip. Umiingos-ingos pa akong lumabas ng kwarto ko para uminom ng tubig. Tahimik sa living room at sa kahit ilang sulok ng unit ni Xenon.

Umalis sila siguro. I shrugged and drank the glass of water. Napaupo ako sa upuan ng dining table. With my foot placed on top of the chair, I played with the water's moist outside the glass.

Hanggang ngayon, iyon parin ang nasa isip ko. Hindi ko matanggal iyon sa sistema ko kahiy ilang tulog pa ang itutulog ko. I am bothered with the truth.

Kahit na sinabi na sa akin ni Xenon na kapatid niya lang si Zean, naguguluhan pa din ako. There must be a reason why the people around us thinks that Xenon is Zean's father.

At ang isa pang nagpagulo sa ulo ko ay ang sinabi ni Ken kanina. That the one who caused all this trouble is a woman. Babae ng nakabuntis kay Lin. Then I remembered the woman, Xenon was with at the restaurant.

He said that it was her step-sister. Paano kung hindi niya iyon kapatid, what if it was the woman who started a fight with Lin and got Zean hurt too?

Napatayo ako. "It all makes sense!" I shouted.

He's such a liar. How come he can come up with this lies? Ano ang motibo niya? Well, if Xenon is smart then I am clever.

I was busy praising myself when a voice spoke. "What does make sense?" Taas kilay na tanong ni Xenon.

Fck.

The Artist's VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon