TAV~Twenty-one

521 6 0
                                    


The Artist's Vixen

21- Childish

Dalawang katok ang narinig ko sa kwarto ko bago bumukas ang pinto at pumasok si Xenon. Nakabihis na ako para sa trabaho at ihahatid niya ako. Well, yun naman palagi ang ginagawa niya simula ng maging kami.

Nginitian ko siya at umupo siya sa kama ko.

"You know, you can always sleep at my room." Komento niya. "Hindi ko naisip na talagang maliit pala itong kwarto na ito." Dagdag niya pa.

I smirked. Hindi ako natutulog sa kwarto niya dahil alam kong hindi kami makakatulog kapag ganoon ang gagawin namin. Even thought we had sex whenever we can, I know that we should limit it dahil ayoko pang madagdagan kami. Not until we're married of course. Wala pa sa isip ko ang magkaanak.

"Do you think we can 'sleep' if I sleep at your room?" Taas kilay kong tanong.

Humalakhak siya at lumapit sa akin. He hugged me at the back and kissed the back of my head. "Damn. You smell good, baby." He whispered. "Magtatrabaho ka pa ba?"

"Yes, Xenon. I will. Isa pa kailangan kong makipag-ayos kay Lin dahil ilang araw din kaming hindi nagpansinan simula noong sagutan namin. It was hard, alright." Sabi ko sa kanya.

"Well then. I'll have you later?" He bit my ear.

Tumango ako. "Yes, you'll have me later. But for now, let's go!" Umalis ako sa bisig niya at lumabas na ng kwarto. Narinig ko pa siyang tumawa ng nakakaloko.

God. He's seducing me. I should resist!

Magkahawak kamay kaming pumunta sa parking lot. Napahinto kami pareho ng makita namin si Lin na karga-karga si Zean. Nilalamig ito kaya tumakbo papunta kay Lin si Xenon. Sumunod din ako sa kanya.

Humihikbi si Lin. "Xenon, wala na akong mapuntahan. Nilalagnat si Zean, hindi ako tinanggap sa ospital dahil hinarangan kami ni Celine. Xenon...tulungan mo kami." Pagsusumbong nito.

Xenon cussed. "That woman. Hindi talaga siya tumitigil!" Galit na singhal niya.

"Xenon." I calmed him down. "Calm down please. Dalhin muna natin si Zean sa ospital." I said.

He sighed. "You're right. Come on. I know where she can't find us." He unlocked his car.

Ako na ang bumukas sa pinto ng sasakyan para makapasok si Lin at Zean. Sa likuran kaming dalawa ni Lin para maalalayan ko siya. Humarurot na ang sasakyan ni Xenon palabas mg parking lot.

Humihikbi pa rin si Lin habang niyayakap ang anak. "Lin, its going to be alright." I calmed her.

"This is all your fault." Nagulat ako sa sinabi niya. How come its my fault? Wala naman akong ginawa na ikinalagnat ng anak niya.

"Lin..." Umiling ako. She's too much. Noong isang araw pa siya.

"You're Celine's spy, diba? Kaya niya nalaman kung saan ako nagtatrabaho ng dahil sayo. You even seduced Xenon just to take him away from us." Galit na sabi niya.

"Lin! Stop that..." Mahinahon na sabi ni Xenon.

"Xenon, please. Huwag ka namang mabulag sa babaeng ito! Alam mo bang kasama din siya ni Celine sa pagiging pokpok? Xenon, huwag ka namang matulad sa tatay mo-"

"Shut the fuck up, Lin! You're not the boss of me! And if you want your bastard son to be alive, shut the fuck up!" Napahinto si Xenon sa pagdadrive sa kalagitnaan ng daan. Kahit ako ay nagulat din.

Hinihingal si Xenon at lumipat ang tingin sa akin. Hindi ako makapagsalita, I never seen him this mad over something. Ngayon lang talaga. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

The Artist's VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon