The Artist's Vixen8- De Matias
"Masarap?" Tanong ko ng higupin niya ang sabaw ng tinolang niluto ko.
He licked his lips then released a heavy breathe. My hands are fidgetting as I look at his reaction. Tumaas ang kilay ko habang naghihintay sa sagot niya.
Ang hinihintay kong sagot ay hindi ko nakuha. Nagkibit balikat nalang ako ng makita kong kumain na siya ng kanin.
Tahimik ang pinagsaluhan naming hapunan. Nakakabingi ang katahimikan at pagtagpo lang ng pinggan at kubyertos ang maingay.
Nauna siyang natapos kumain. Uminom siya ng tubig at tumayo na. "Masarap. Matutulog na ako." Malamig niyang sabi at umalis na.
Kung pwede hanggang tuktok ng ulo ko ang aking ngiti ay kanina pa ito nangyari. I wasn't really expecting for him to answer my question about my cooking.
That night, I feel at ease. Nakakapanibago nga eh, matagal na akong hindi nakakaramdam ng ganitong contentment. Its like spur of the moment to feel like this.
I was sure it's because of assurance na may makakain ako sa susunod na araw, na may trabahong naghihintay sa akin bukas and the best of all, my sweldo akong hihintayin buwan-buwan.
Nagmumukhang pera tuloy ako pero yun talaga ang nararamdaman ko. I tried shrugging it off, but my lips won't stop from smiling.
Kinabukasan, maaga pa akong nagising para ipaghanda ng agahan si Xenon. Natutulog pa siya kaya nag-iwan na ako ng note sa lamesa na kumain siya bago pumunta sa studio.
I mean, hindi niya naman ako binabayaran for nothing so might as well, make the money he's paying for me worth it, diba?
Alas otso y media ng makarating ako sa restaurant. Sinalubong ako ng mga katrabaho ko at tinanong nila ako kung bakit absent ako kahapon. Sinagot ko nalang sila na madami akong inasikaso. Kaya nag lay-off na rin sila sa akin.
Pumatak ang tanghalian at maraming customers ang dumadalo sa restaurant. Medyo busy kaya wala akong oras makakain ng lunch, kaming lahat din naman. Kahit na pinipitik na ako ng mga bulate ko sa tiyan na kumain na dahil hindi pa ako nakakapag-almusal kanina eh, pinagpaliban ko nalang muna.
"Veena, table fifteen." Tawag ni Chef sa akin kaya hinatid ko na ang pagkain sa table fifteen.
Nang nakita ko ang number fifteen na table ay nagtungo na ako doon. "Here is your order, Ma'am..." Nilatag ko ng pagkain ng babae sa kanya at tinuon ang atensyon ko sa kasama niyang lalaki. "...Sir-Xenon?!" Gulat kong sabi ng makita ko siya.
He just raised his right brow. "You look surprised. Bakit?" He asked me.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko sa kanya.
He chuckled. "Am I not allowed to eat here?"
Doon na ako natauhan. This place, hindi kami magkalebel dito! He's the boss, I am the employee. Napakamot ako ng ulo dahil sa hiya.
Pekeng natawa ako. "Of course, you're allowed to eat here...Sir!" I even wiggled my eyebrows. "Anything else, Sir?" Napatingin ako sa kasama niyang babae. Napalunok ako.
She's beautiful. Hindi echos, talagang maganda siya.
Napatingin ulit ako kay Xenon. I mouthed 'Girlfriend mo?' Tanong ko sa kanya. And he answered me with his confused face. "What?" tanong niya kaya sumuko na ako.
Natawa ako. "Wala po, Sir!" Sabi ko at umalis na.
Really, Xenon? Hindi mo naintindihan? Gosh.
Alas sais ng gabi ang out ko sa trabaho. Usually, humihinga ako ng malalim dahil tapos na ang nakakapagod kong trabaho pero ngayon parang mabigat. I shrugged it off and slapped myself two times. "Gising Veena!" I screamed kaya nagulat din ang mga katrabaho ko na nasa locker room. "S-Sorry." I peaced out.
Lumabas na ako ng restaurant gamit ang service door sa likod.
"Veena, may raket ka ngayon?" Tanong ni Lin-katrabaho ko.
"Ah, nagstop na kasi akong magraket-raket eh." Balita ko sa kanya.
Narinig ko siyang napatili. "O edi halika na! Birthday kasi ng anak ko, may konting handaan sa bahay." Paanyaya niya.
Parang may humahatak sa akin na pumasok ulit sa loob ng restaurant at hintayin na makauwi si Xenon kaya hindi ako makasagot kay Lin. I struggled on wether coming with them or staying behind.
Madami sa mga katrabaho ko ang sasama kaya nakakahiyang tumanggi at hindi lang ito unang beses na niyaya nila akong lumabas. Infact, madaming beses na kaya mas lalong nakakahiya.
Palinga-linga pa ako sa service door at sa kanila. "Uh, uhm..."
"May naiwan ka ba?" Tanong ni Andre.
"H-Ha? W-Wala naman. Uhm..." napakagat labi ako.
"Sige na, Veena. Minsan lang naman 'to." Pagpupumilit ni Lin.
In the end, I surrendered. I joined them because of my guilt. Mabait sila sa akin kaya iniisip din nilang mas nakakabubuti sa akin ang mag-ligalig din.
Gusto ko din kasing makilala ang anak ni Lin na palagi niyang kinukwento tuwing lunch break namin.
Maliit lang ang bahay nina Lin at papasok ito sa mga squaters. Kaya nga hanggang sa labas ay may mga lamesa pa, para lang magkasya ang lahat ng bisita.
Kaninang umaga pa daw kasi ang kaarawan ng tatlong taong gulang niyang anak na lalaki. Pinakilala niya sa amin ang anak niya. Napakabibo nito at napakadaldal. Aliw na aliw kami dito hindi na nga namin namalayan ang oras.
"Nako, alas nuebe na pala." Pag-aalalang balita ni Ken.
"Hala oo. Masyado naman tayong nagkasiyahan." Segunda pa ni Lin. "Madami kasing niluto si Nanay kaya pinagplastic ko na kayo." Ngiti niya pa at binigay sa amin ang mga lutong sobra.
"Ay, salamat dito Lin! May ulam na ako bukas!" Masayang sabi ng isa pa naming katrabaho.
"Ikaw talaga. By the way, salamat sa pagpunta ha. Kahit na ganitong salu-salo, natuwa ang anak ko." Pasasalamat ni Lin.
Napangiti ako. Kahit na mag-isang binubuhay ni Lin ang anak niya ay gagawin niya pa rin ang lahat para mapasaya ito. She reminds me of my mother kaya saludong-saludo ako kay Lin.
"Ano ka ba Lin! Syempre naman malakas sa akin iyang inaanak ko. Asan na pala yun?" Tanong ni Ken.
"Ayun tulog na. Nasobrahan sa pag-aliw sa inyo." Sagot ni Lin. "O, Veena. Kanina ka pa tahimik diyan."
Napatingin ako kay Lin. "Hmm?...Ah, hindi Lin. Ano kasi, hanga lang ako sayo." sabi ko.
"Huh?" Nagtataka niyang tanong. "Hanga sa ano?" Nagpamewang na rin siya."Sayo! Diyan sa pagiging matatag mo, you know its not easy to raise a child alone, Lin. Kaya idol ka!" I complimented her.
"Sus. Eh sino pa ba ang aasahan ko? Yung De Matias na yun?"
Lumaki ang nga mata ko sa narinig ko. Did she say 'De Matias'? Napalunok ako, si Xenon ang nakabuntis kay Lin? No, no. Imposible. Hindi lang naman si Xenon ang De Matias. Baka ibang De Matias yun.
"Alam ba no'n na may anak kayo?" Tanong ni Ken.
Umiling si Lin. "Nako, kahit na bigyan niya ako ng milyones niya hindi ko ibibigay ang anak ko kung sakaling malaman niya."
Mayaman ang De Matias na tinutukoy ni Lin. Napakagat ako ng labi. Gusto kong itanong kung si Xenon De Matias ang tinutukoy niya pero natatakot ako. Natatakot akong malaman, inaamin ko. Napailing ako, hindi maiproseso ng isip ko na ganoong tao si Xenon.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bag at kinuha ko ito.
Speaking of, si Xenon ang tumatawag. "Hello, Xen-"
"Where the hell are you?" Galit niyang singhal.
I felt a large lump on my throat when I tried to gulp.
BINABASA MO ANG
The Artist's Vixen
General FictionWith a twist and flick of the brush, Xenon can be the picasso of his own generation. Sa pagiging mahusay sa larangan ng sining sa murang edad ay wala ng mahihiling pa si Xenon. He has it all, the talent, the looks and the appeal but except for one...