TAV~Twenty-three

513 7 3
                                    


The Artist's Vixen

23-Explain

I found myself in front of our mansion. Namamaga ang mga mata ko sa kakaiyak. Habang nagbabyahe ay iniyak ko ang sakit, at least for now hindi na iyon gaano ka sakit. I think it will subside just for now.

I was torn between pushing the doorbell or running away again but then again, where will I go? Sa huli ito parin ang takbuhan ko. Dito parin pala ako babalik. I'm tired of running away eveytime I have problems. Tinatakasan ko nalang palagi ang sakit sa puso at ulo.

But this heartbreak Xenon caused me, wala man lang paalala o warning na masasaktan ako. Damn it.

I pushed the doorbell and waited for ten minutes before the gate opened. Tumambad sa harap ko ang isang dalagang katulong.

"Sino po sila?" Tanong niya.

"Uhm..." Napalunok ako. "Pakisabi kay Tita Linette na nandito si Veena Kamil." Sabi ko sa katulong.

Tumango ang katulong at sinabihan akong maghintay. Napaupo ako sa gutter habang naghihintay. Maya-maya pa ay nagbukas ang gate at biglang may yumakap sa akin mula sa likuran.

A tear escaped when I heard a cry from Tita Linette. I bit my lower lip and faced her. Tumayo ako para yakapin siya. I felt nothing but the feeling when I hug my mother. Mas lumakas pa ang iyak ko ng yakapan niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry Tita. I...I..." Humihikbi kong pagpapasensya.

"Shhh. Its okay now, hija. Its okay na. Wala na iyon." Pagpapatahan niya sa akin. "Let's go inside, your Dad is waiting for you." Ngiti niya at inalalayan ako papasok ng mansion.

As I stepped inside, I felt the warm welcome of our mansion. Halos walang nagbago dito. Its still the same after six years I've been gone. Parang hindi lang ako umalis.

"Your father and I wanted to retain what's inside the mansion so that when you come back home, parang hindi ka lang umalis. It tells you that, we are still the same people that we'll love you no matter what." Malambing na sabi ni Tita Linette.

Hindi ko akalain na gaganituhin ako ni Tita Linette kahit na wala akong ginawa ng mga huling taon ay ang kamuhian sila ni Dad. I hated them both then all they have given me all this time was nothing but pure love and acceptance.

Hindi ako umasa na tatanggapin nila ako. I just want a comfort haven where I can cry because of the pain.

"Veena..." Isang malalim na boses ang narinig ko at napatingin ako sa itaas. Napaiyak ako ng malakas ng makita ko si Dad na nakawheelchair.

I ran upstairs and kneeled when I was in his feet. I cried so hard. "I'm sorry, Dad. I'm so sorry. I'm sorry I've been a bad daughter. I'm so sorry."

Hinawakan niya ang dalawang braso ko at pinaangat ako sa pagkakakuhod. He wiped my tears and I saw that he was crying too. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. Masakit pala talagang makita ang magulang mong umiiyak.

"You're here now, that's what matters most." He huskily said.

I hugged him tight and he hugged me first time in my twenty-three years of existence. It felt heartwarming and I knew that I was really home.

Ilang katok sa pinto ang gumising sa akin. Napamulat ako ng aking mga mata at napaupo sa kama. Nakita kong pumasok si Tita Linette na tulak-tulak si Dad. Napangiti ako.

"Good Morning, Hija." Bati ni Tita Linette.

"Good Morning din po." Bati ko din sa kanila. "Good Morning Dad. How are you? Kamusta na po ang pakiramdam niyo?" Nag-aalalang tanong ko.

The Artist's VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon