CHAPTER 19

102 2 0
                                    

CHAPTER 19

Hinatid ako ni Zephyr sa bahay. Mag aalis singko na nang makauwi kami. Pag baba ko nakita ko si Chris sa tapat ng gate namin, staring at our direction. Kinabahan ako, alam kong ito na yung panahon na makikita niya si Anya.

Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni Zephyr sa bewang ko saka hinalikan sa pisngi.

"Halika na mine?" Nakangiti niyang sabi.

Gusto kong mainis sa ginawa niya pero nakita kong kumunot ang noo ni Chris, nagseselos ba siya? Inisip ko ngayon lang yan. Kasi di pa niya nakikita si Anya. Pero bakit parang kinilig ako sa ginawa ni Zephyr? Anong nagyayari sa akin?

"Hon! Magusap tayo please." Pagmamakaawa ni Chris.

Hindi ako nagsasalita.

"Pare pasensiya na but please excuse us, papasok na kami nakaharang ka sa gate eh." Si Zephyr.

"Padadaanin kita pero hayaan mong makapag usap kami ng girlfriend ko." pagmamatigas ni Chris.

"Ex-girlfriend pre. Ako na yung boyfriend ngayon ni Norelle." Sabi ni Zephyr.

"Eh kaso nga ako yung mahal ni Norelle eh, uulitin ko sa'yo panakip butas ka lang."

Nakatingin lang ako sa kanila. Akala ko ba okay na kami ni Zephyr, na aaminin na namin yung totoo eh bakit para atang hindi ganoon yung nangyayari.

"Sino nagsabi sa'yo na ikaw pa rin ang mahal ni Norelle? Kung ikaw talaga ang mahal niya, eh bakit ako ang kasama? Binigyan ka niya ng 4years para patunayan sa kaniya na mahal mo siya. Tapos sinaktan mo lang. Ngayong may iba nang boyfriend guguluhin mo? Makasarili ka rin ano?" inis na sabi ni Zephyr.

"Pwede ba! Hayaan mo na lang na magkausap kami ni Norelle! Ano ba ikinatatakot mo? Kung mahal ka niya talaga wala kang ikababahala diba?" Inis na rin si Chris.

"Umalis ka na hindi mo siya makakausap. Hindi ako papayag." Hinawakan ni Zephyr ang mga kamay ko at tiningnan ako.

Nahihiya ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang alam ko lang pinagtatanggol niya ko kay Chris na madalas manakit sa damdamin ko. At masarap sa pakiramdam na may taong nagmamalasakit sa'yo.

"Ayos ka rin no? Bakit di mo hayaang si Norelle ang magdesisyon? Natatakot ka na baka ako ang piliin niya?" pagyayabang ni Chris.

Hindi nagsalita si Zephyr.

"Hon, please mag usap tayo. Parang awa mo na" sabi sa akin ni Chris.

Sasagot palang ako nang biglang may pumarang taxi sa tapat ng bahay namin. And as if someone stabbed my heart when I saw Chris' reaction nang makita niya si Anya na bumaba sa taxi.

"Anya?" sabi niya.

Kumunot ang noo ni Anya nang makita si Chris? "Anong ginagawa mo dito?"

"Anya kailan ka pa dumating?" Napalitan nang tuwa yung kaninang mukhang kawawang si Chris.

"Anong pakielam mo? Diba wala na kayo ni Norelle? Ba't nandito ka pa?" Iritableng tanong ni Anya.

"Umalis ka na Chris!" tumutulo na ang luha ko dahil sa sakit nang nakikita kong kasabikan sa mukha ni Chris ng makita si Anya.

"Halika na Norelle, pumasok na tayo." Hinawakan ni Anya ang kamay ko at inakay papasok sa gate ng bahay namin.

"Teka sandali Anya mahal na mahal pa rin kita." nangingilid na ang mga luha ni Chris ng hawakan niya ang braso ni Anya.

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon