CHAPTER 13

116 2 0
                                    


CHAPTER 13

"Norelle! bakit di pumupunta si Zephyr dito? break na ba kayo?" tanong ni ate Hope.

Halos isang buwan na kaming nagpapanggap ni Zephyr. At madalas siya dito sa bahay namin para masilayan siguro si Frances. Pero mag iisang linggo na siyang hindi pumupunta. Hindi ko naman siya tinetxt at tinatanong dahil una, hindi naman talaga kami magkarelasyon at wala akong karapatang tanungin kung nasaan siya. Pangalawa, baka busy lang talaga siya. At pangatlo wala akong pakielam sa desperado na yun. Nagsalita ang hindi desperada eh no? At pang apat, wala nang pang apat hanggang pangatlo lang. 😄😬😄

"Hindi ah! busy lang talaga siya. Saka araw araw mo siyang hinahanap sa'kin ate Hope. . .

may gusto ka kay Zephyr no??!"

Halos maidura niya sa akin yung iniinom niyang tea, nasa kusina kaming dalawa at nagaalmusal. Maagang umalis si Frances kaya si ate Hope ang pinagtityagan kong kausapin.

"Ikuha mo nga ako ng basahan Norelle."

Kumuha ako ng basahan at inabot ko sa kaniya.

Hinila ako ni ate Hope. "Yumuko ka"

Nagtataka ako, ano na naman trip nito ni ate Hope "Bakit?"

"Napakadumi ng utak mo, pupunasan ko lang. Ok ka lang? aminado akong napaka gwapo ng boyfriend mo, pero kadiri ka! sa tingin mo magkakagusto ako sa boyfriend nang kapatid kong mahadera?"

Ngumuso ako "Eh bakit lagi mo siyang hinahanap?"

"Eh kasi simula ng ipakilala mo siya sa amin na boyfriend mo, hindi siya pumapalyang pumunta dito. Eh bakit ngayon 1 week na hindi pa rin pumupunta? Hindi kaya nakahanap na yun ng iba? sa gwapo no'n Norelle hindi malayong mangyari yun."

"Sus! wala na siyang mahahanap na kasing ganda ko no! si Frances at Anya lang ang makakapantay sa ganda ko! Pati na rin ikaw, nakakaawa ka naman eh sali na rin kita."

"Woooh grabe! tumataas ang palda ko sa lakas ng hangin! si Frances makakapantay sa ganda mo true! Pero si Anya? aminin natin Norelle, sa inyong tatlo, siya ang pinakamaganda! Kaya nga patay na patay yung ex-boyfriend mo di ba? bwuahahahaha"

"Oo na." totoo naman ang sinasabi ni ate Hope.

Biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext.

From: +63917*******

I miss you so much! See you soon. I love you!

Oh my! Hindi kaya si Chris to! OMG! OMG! OMG! Hoot hoot! oh yeah! oh yeah!

Hindi naman siguro si Frances ang magtetext ng I miss you? Kasi magkatabi kami matulog, ginigising ako no'n bago siya umalis at nagpapaalam. At lalong hindi naman siguro si Zephyr yun. Close?

"Ate Hopeee!!"

"Bakit nanalo ka sa sabong?!" pagbibiro niya

"Ano yun?! pinagsasasabi mo diyan?!" nagtatakang tanong ko.

Ayy oo nga pala, hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na nagtext si Chris. Baka makatikim ako ng Flying kiss na may kasamang Flying kick. 10 times.

"Ano nga bakit excited ka diyan?" hinihintay niya ang sagot ko.

"Ah ano, nagtext si Merissa. Oo tama! Nagtext siya."

"Oh? anong nakakaexcite sa text niya?"

"Ano daw! Nanganak daw yung pilay na aso dun sa kanto? Yung kulay black? Color pink na may halong purple daw yung anak!!"

"Gusto mong ikaw paanakin ko sa sampal Norelle??!!!"

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon