CHAPTER 28

84 2 0
                                    


CHAPTER 28

NORELLE'S POV

Hindi ko na sinabi kay Frances kung ano ang nakita ko sa kanila ni Zephyr.  Hahayaan kong siya ang magsabi kung ano bang meron sa kanila. Kung nililigawan na ba siya nito o hindi. Pero bakit sila magkayakap? Hindi naman siguro nila naisipan yun bigla di ba? Parang "Hi friend halika magyakapan tayo dito sa loob ng kotse, naboboring kasi ako eh" ganoon ba?

Teka ano bang pakielam ko? Eh hindi na naman kami nagpapanggap ah. Nagseselos ako, okay fine!

Ilang araw na rin ang lumipas, pero hindi pa rin ako pinapansin ni ate Hope. Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan. Kahit pala gaano ako kamahal ng ate ko, kaya niya akong tiisin.

Kumatok ako sa kwarto niya.

"Ate. . ."

Hindi siya sumasagot. Alam kong nasa loob siya dahil nakita ko siyang pumasok doon.

Kumatok uli ako. At hindi ako titigil hangga't hindi niya ako pinagbubuksan ng pinto.

"Ate Hope. . ."

Walang ate Hope na nagbubukas ng pinto.

Pang pito nang katok ko nang. . .

"Ano yun?" Nakataas ang kilay niya nang harapin ako.

"Ate pwede ba tayong magusap?"

"At kung sabihin kong hindi?" sabay sara sa pinto.

Pero napigilan ko ito.

"Ate pag naipit ako ha. . . Sige na kasi please ate." pagmamakaawa ko.

"Tatlong segundo lang ah!" sagot niya. Naisip ko parang hindi na galit ang ate ko kasi nagbibiro na siya.

"Grabe ka naman! Ano naman ang mapaguusapan natin sa tatlong segundo?" sabi ko.

"Pumasok ka na!"

Niyakap ko bigla ang ate ko. At siyempre hindi siya nakatiis niyakap niya rin ako saka hinalikan sa noo, "Ano ba kasing ka desperadahan yan Norelle? Nakuha mong magpanggap para lang balikan ka ng walang kwentang taong yun?"

"Sorry na, kasalanan ko ba kung nagmahal ako? Alam mo naman ang pakiramdam ng nagmahal di ba?" sabi ko.

"Pero Norelle, hindi naman yung tipong kalimutan mo nang pahalagahan ang sarili mo. Masarap ang magmahal kung alam mong minamahal ka rin ng taong mahal mo. Pero kung alam mong  hindi ikaw ang taong gusto niyang makasama pero pinipilit mo pa rin ang sarili mo, hindi na pagmamahal yun Norelle." pagpapaliwanag ni ate.

"Oo na ate. Pwede ba tinantanan ko na si Chris. Inamin ko na sa kanya ang lahat at nagpaalam na rin ako sa kanya. Kaya wala ka nang dapat alalahanin okay? Hindi na niya ako masasaktan ulit. Hindi na ako papayag." paniniguro ko sa kanya.

"Talaga? Kumusta kayo ni Zephyr? okay na ba kayo? Tototohanin niyo na ba yung relasyon niyo?" sunod sunod na tanong niya.

"Alin sa mga tanong mo ang una kong sasagutin?" sabi ko.

"Lahat yun. Sabay sabayin mo, kung kaya mo ba eh."

"Okay. Si Frances ang mahal ni Zephyr kaya malabo yang mga pinagsasasabi mo."

"Eh ba't parang nanghihinayang ka?"

Kumunot ang noo ko, "Ha?"

Ngumiti si ate Hope, "ayy susssssss kaya siguro naging madali sa'yong lumayo na kay Chris kasi may nararamdaman ka na rin kay Zephyr no?"

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon