CHAPTER 27

72 3 0
                                    


CHAPTER 27

ZEPHYR'S POV

Sinundan ko si Norelle, nang hindi niya alam. Baka kasi kung sa'n siya dalhin ni Chris.

Medyo malayo layo rin ang nilakad nila bago umupo sa isang park. Nasa malayo lang ako at tinitingnan ang paguusap nila. Nagsasalita si Chris, at nakikinig lang si Norelle. Maya maya ay nakita kong umiiyak na si Norelle. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at pahirin yung mga luha niyang tuloy tuloy na umaagos.

Naiinis ako pag nakikita kong nasasaktan si Norelle dahil kay Chris. At natatakot akong makita na magkabalikan sila.

Kung dati pinipigilan ko ang sarili ko at ayokong aminin, ngayon sigurado na ako.

Mahal ko si Norelle. Mahal na mahal.

Marahil ang nararamdaman ko kay Frances noon ay paghanga lang ng isang lalaki para sa isang magandang babae. Iba yung nararamdaman ko kay Norelle.

Nang magkakilala kami dahil aksidente niya akong nayakap, at nagpanggap kami na may relasyon, naiinis ako sa kanya dahil ibang iba siya sa tipo kong babae. Maingay siya, nagsusungit minsan, at sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Napaka prangka.

Ang sabi ko noon, hindi ko siya magugustuhan, lalo pang lagi ko ring nakakasama si Frances.

Pero nang matagal ko nang nakakasama si Norelle, nakita kong mabuti siyang babae. Mapagmahal na kaibigan at kapatid. At higit sa lahat, napakatotoong tao.

Pag nasa tabi ko siya, kuntento na ako pag nakikita ko siyang nakangiti. Para akong matutunaw 'pag tinitingnan niya ako.

Pero para naman akong sinasaksak sa puso tuwing babanggitin niya si Chris at nagkukwento siya kung gaano niya kamahal ito.

At kung bibigyan ako ng pagkakataon ni Norelle, gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako. Gagawin ko ang makapagpapaligaya sa kanya. At hindi sasagi sa isip ko na paiyakin st saktan ang pinaka mamahal ko.

Si Norelle.

Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila ngayon, marahil nakikipagbalikan sa kanya si Chris. At sigurado ako na papayag si Norelle pag nangyari 'yon. At hindi nga ako nagkamali.

Nakita kong niyakap ni Norelle si Chris, at niyakap din siya nito.

Parang dinurog ang puso ko sa nakita ko. 😞😞😞

Wala na akong pag asa sa babaeng mahal ko, hindi ko man naririnig ang pinaguusapan nila, sigurado akong ang yakap na iyon ang bagong simula ng relasyon nila.

Naglakad na ako pabalik sa Computer shop nila Norelle kung saan nakaparada sa tapat nito ang kotse ko.

Parang sasabog ang dibdib ko sa nangyayari. Wala sa sarili akong naglalakad. Iniisip ang babaeng mahal ko na kayakap ang lalaking mahal niya. Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Zephyr!"

Tiningnan ko kung sino yun. Si Frances pala.

"Nasaan si Norelle?" sabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon