CHAPTER 30

106 3 0
                                    


CHAPTER 30

Nagtutupi ako ng mga damit ko nang may narinig akong katok sa pinto ng kwarto.

"Bukas yan," sabi ko

Biglang bumukas ang pinto saka pumasok ang napakagandang halimaw na kapatid ko 😄😃😆😂😅

"Hoy Norelle!" si ate Hope

Kinunot ko ang noo ko, "Wag mo nga akong ma Hoy, Hoy diyan ate Hope."

"Okay. Hey, Norelle"

"Yes?"

"Totoo bang nagkabalikan na kayo ni Chris?" tanong niya.

"Kaninong sing pangit mo naman yan nalaman?" pagbibiro ko

"Kay Zephyr."

OMG ngayon na nga pala magtatapat at official na manliligaw si Zephyr kay Frances. "Nandito siya?"

Nagpameywang si ate Hope, "Wala nagusap lang kami sa isip. Sagutin mo tanong ko."

Naiirita akong sumagot, broken hearted na nga yung tao eh pinipilit pang sumagot.

"Hindi okay? Sinabi ko lang yun, wala na kasi akong masabi sa kanya kagabi at gusto ko nang matulog. Hindi. Hindi na kami nagkabalikan ni Chris. At hindi na mangyayari yun." sagot ko.

"Buti naman. Bababa lang ako. Wag kang susunod hanggat di kita tinatawag okay?" utos niya.

"Kahit hindi mo sabihin, hindi ako bababa." sabi ko

Bumaba na siya at tinuloy ko naman ang ginagawa ko.

30 minutes ang lumipas umakyat na naman ang napakagandang halimaw kong kapatid.

"Norelle halika baba ka hinahanap ka ni Timothy, magpapasama daw siya sa'yo." sabi ni ate Hope

Walang gana akong tumayo, "Saan daw?"

"Sa Mindanao. Mag jojogging." pangaasar niya.

Ngumiti ako, "Hayy salamat buti na lang napakalapit lang. Luzon to Mindanao? Ayy naku sisiw. Kinabahan ako akala ko naman sing layo nang Europe ang pag jojoggingan namin. Sige pakisabi sasama ako sa kanya sa Mindanao." sarkastiko ko kong sagot.

Umirap siya, "Ayy naku napaka abnormal, ewan ko ba bakit may nagkagusto sa'yo."

Naglalakad na kami pababa saka ako sumagot, "Ganoon talaga pag maganda. Tingnan mo ikaw walang nagkakagusto sa'yo."

"Bakit di ba ko maganda?"

"Maganda, kaso halimaw ka." sabay tawa ko ng malakas.

Tama yan Norelle, tawa lang. Mamaya iiyak ka pag nakita mo si Zephyr at Frances na magkasama.

Pag baba namin nakaupo si Frances, Anya, manong Ted at Zephyr sa sofa.

"Asan si Timothy?" tanong ko.

"Nandito ko Norelle" sagot niya. Nakatayo siya sa may pintuan.

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon