CHAPTER 8

124 3 1
                                    


CHAPTER 8

Hindi ko alam bakit ang init ng ulo ko. Siguro kasi 1st day ng menstruation ko o dahil ito sa kahit 2 months na ang lumipas, super affected pa rin ako sa paghihiwalay namin ni Chris, na parang kahapon lang nangyari. Ganun pa rin ang sakit. Pero ngayon din ang araw na uuwi si Timothy. At itutuloy na namin ang plano namin. Tinext niya ko na magkita daw kami sa ZM Music Store. Alam ko kung saan yun, dun ko dati pinuntahan si Frances, kasi madalas siyang pumunta doon pero di pa ko nakapasok doon. Ayoko pumasok at baka maisipan ko pang bilhin yung drums doon at maubos pa ang naipon ko, kahit wala akong ipon. Kaya alam kong walang mauubos. 😬😁😉👍

Biglang tumunog ang cp ko. Tiningnan ko at nakita kong nagtext si Timothy.

Boy banat: Norelle papunta na ko ZM music store may titingnan lang ako do'n then punta tayo sa restaurant ko. Doon na tayo magusap about sa plan mo. See you there. Ingat!

Ako: Ok.

Boy banat: Wala na bang i iiksi pa yung reply mo? :)

Ako: K.

Boy banat: Ahahahaha kulit mo.

Ako: Ahahaha joke lang. Sige kita na lang tayo doon. Paalis na ako. Hintayin na lang kita pag nauna ako. Ingat din. :)

Boy banat: Okay. :)

Hindi na ko nagreply at bumaba na ako ng kwarto. Walang tao sa bahay. Pumasok si Frances. Pinuntahan ko si ate Hope sa Computer shop na nasa tabing bahay lang namin.

"Ate Hope may pupuntahan lang ako ha. Sandali lang ako at uuwi din ako agad." pagpapaalam ko.

Inabutan niya ko ng 500 pesos. "Oh, baka maisipan mo kumain sa daan, patay gutom ka pa naman ahahaha"

"Wag na may pera ako dito. Saka sandali lang naman ako" ang sabi ko.

"Saan naman nanggaling pera mo? Sa pangungupit mo dito sa shop?"

"Oo ganun na nga kapatid kong pangit" pagbibiro ko.

Naghahati kami ng ate Hope ko sa kita sa Computer shop. Malaki ang computer shop niya. May 25 computers. Tapos napupunta sa akin yung kinikita ng dalawang bahay na pinapaupahan namen. Sa ate Hope ko naman napupunta ang kita ng tatlo pang bahay na pinapaupahan. Doon na din kami kumukuha ng pangkain araw araw, pambayad ng tubig at ilaw. Sa madaling salita, kahit hindi kami magtrabaho ng ate Hope ko. Mabubuhay kami, nang masagana. :)

"Alis na nga ako, ano gusto mong pasalubong?" pagpapaalam ko.

"Makauwi ka lang ng maayos" sabi ni ate Hope.

Ngumiti ako. "Sus! Arte"

Saka ko tumalikod at pumunta na sa sakayan ng tricycle.

Nang makasakay na ko, binuksan ni manong tricycle driver ang radyo. Biglang nagpintig ang tenga ko nang marinig ko si Ed Sheeran habang kinakanta ang Thinking Out Loud. Madalas namin yun kantahin ni Chris. Di ko alam kung nananadya yung DJ ng radyo o si Manong tricycle driver, ang alam ko lang sa mga oras na to, gusto kong wasakin yung speaker at ipalunok kay manong. Kaya lang naisip ko baka di nya malunok, sayang effort ko. So hinayaan ko na lang.

Maya maya nandito na ko sa sakayan ng jeep. Kaya nagpara na ko.

"Manong para!"

"Bababa ka na ba?" ang napakahusay na tanong ni manong.

Hindi ko alam kung may iba pang pagpapakahulugan si manong sa salitang 'para'

"Para nga eh diba? So bababa tama?" pagtataray ko. Pasensya na manong nadamay ka sa init ng ulo ko. Bumaba na ako.

"Sungit mo naman, ang ganda mo pa naman. Iniwan ka siguro ng boyfriend mo." sabi ni manong.

"Correct!" Sagot ko sa kanya habang naglalakad palayo.

Nagaabang naman ako ng jeep na dadaan sa ZM Music Store. Medyo matagal ako naghintay. Naisip ko mag taxi na lang. Kaya lang malapit lang naman yun kaya nag abang pa ko ng konti. Maya maya may paparating na jeep na walang sakay. Sumakay na ko, ako lang pasahero.

Nagabot ako kay manong ng 20 pesos "Manong bayad po."

Hindi ko inasahan ang mga sumunod na sinabi ni manong.

"Ilan to?" tanong niya

"Bakit manong may nakikita ho ba kayong di ko nakikita? Ako lang ho ang pasahero diba? Sige ho dalawa na dyan sa bente, libre ko na po kayo." sabi ko.

Natawa si manong "Ay oo nga pasensya na" sinuklian na nya ko.

Medyo malapit na ko sa pupuntahan ko, may sumakay na babae. Nagbayad sya ng 10 pesos inabot nya sa akin dahil mas malapit ako kay manong.

"Bayad daw po!" sabi ko. Siguro naman hindi na itatanong ni manong kung ilan yun?

Pero nagkamali ako.

"Ilan to?" sabi nya!

Di ko na hinintay sumagot yung babae, dahil mainit ang ulo ko at dumagdag pa ang pagka intrimitida ko ako na ang sumagot. Walang ka emo emosyon kong sinabi:

"Diyos ko naman manong magkano na po ba ang pamasahe? Kakasya ho ba ang dalawa sa sampung piso?"

Natawa na naman sya. Ay naku ewan. Nandito na ko sa bababaan ko kaya nagpara na ako.

"Ma para po, please po wag nyo nang itanong kung bababa na ba ako" sabi ko.

Tinabi nya ang jeep kaya bumaba na ako. Naglakad pa ako ng konti para makarating sa ZM Music Store. Nakarating na ko sa tapat. Napaka garbo ng store na ito. Nang papasok na ko may nakita akong lalaki na pamilyar na pamilyar sa akin. Si Chris. Tumitingin sya ng Electric Guitar. Nagtaka ko, kelan pa sya naging interesado sa musical instrument? Eh ni pito nga di nya magawang patunugin sa pamamagitan ng pag hihip (keme lang ahaha). Ang tanging kilala ko lang na marunong gumamit ng Electric Guitar ay si Anya, na ultimate crush nya. Parang may sumundot sa puso ko. Pero ito na ang pinaka magandang opportunity ko para pagselosin sya. Nakita ko si Timothy na nakatalikod, may kausap syang medyo may edad nang lalaki.

Pumasok na ko. At alam kong nakita ako ni Chris, pero nilagpasan ko lang siya.

Tuloy tuloy ako kay Timothy nakatalikod pa rin. At tinuloy ko na ang plano ko. Niyakap ko ang likod nya.

"Mine!" ang sabi ko.

Biglang may lalaki sa bandang likod na tumatawag sa pangalan ko.

"Norelle!"

Kilala ko ang boses na iyon. Pero sigurado ako hindi si Chris yun.

Lumingon ako ng konti pero nakayakap pa rin ako kay Timothy.

Pag lingon ko nakita kong nakatingin si Chris na parang nagulat. At tiningnan ko yung isa pang lalaki na tumawag sa pangalan ko. OMG! si Timothy! Siya yung tumawag sa akin. Nanlamig ang buong katawan ko. Kung hindi si Timothy yung yakap yakap ko ngayon. Sino?

Oh God please help me! Tanging nasambit ko sa isip ko.

Inalis nung lalaki yung kamay ko at humarap sa akin
"Yes mine? kanina pa kita hinihintay eh" sabi nung lalaki ang gwapo ng boses nya. Sana lang gwapo din siya. Nakatingin ako kay Timothy na parang sinasabi kong "tulungan mo 'ko please!" Kaya di ko pa nakikita yung mukha nung lalaki.

Nang tiningnan ko sya halos magdikit ang mukha namen dahil nakayuko sya at medyo nakatingala naman ako sa kanya. Grabe! wala akong masabi! Alam kong walang perfect. Pero bakit ang perfect nang mukha nitong lalaking to! OMG! talaga! wala si Chris sa kalahati nang kagwapuhan nitong kaharap ko.

Ngumiti sya. "Ano mine? Tititigan mo na lang ba 'ko?"

Nagtataka ako, bakit sya sumasakay sa trip ko?

"Mine??" sabi ulit nya.

Hindi ako makapagsalita. Kaya ang nasabi ko lang ay. . .

"Ha?".

.L.007

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon