CHAPTER 20

84 2 0
                                    

CHAPTER 20

ANYA'S POV

Naalimpungatan ako, at tumungo ako sa banyo para umihi, narinig ko si Norelle na nagsasalita, kausap ata si Zephyr sa cellphone. . .

Wow ha? Ang pogi mo tol! Ahahahaha ang tanong ko talaga. Alam mo ba yung dahilan ni Anya kung bakit hindi siya naki pag communicate sa amin ng matagal

. . . . . . .

Totoo ba yan Zephyr?

. . . . . . .

Ang daya mo hindi mo sinagot tanong ko. hmmp. Maglakwatsa ka mag isa mo bukas. Bye.

Nang maramdaman kong papalabas na si Norelle tumakbo ako pabalik ng kama at nagtulog tulugan. Naramdaman kong humiga na si Norelle at saka yumakap sa likod ko.

Nagkuwari akong bagong gising at saka tumayo kasi ihing ihi na talaga ako.

"Uyy sa'n ka pupunta?" tanong ni Norelle.

"Iihi ako sama ka?" pagbibiro ko.

"Ayoko nga, naku Anya may mumu diyan hala ka. Ahahahahaha"

"Ewan ko sa'yo matulog ka na nga"

At tumungo na ko sa banyo.

Pag balik ko nakapikit na siya at nakayakap kay Frances. Tumabi ako sa kanila saka nag isip. Naalala ko yung panahon na umalis ako at iwanan silang dalawa. 5 years ago.

---------------------------------

"Anya anak nakapag desisyon ka na ba? Uuwi na tayo sa Japan sa mama mo." Ang sabi ni papa

"Ayoko pong iwan ang mga kaibigan ko papa, dito na lang po ako magaaral ng college. Ayoko ko pong umalis." Maluha luhang sabi ko.

"Pero anak wala kang makakasama dito. At hindi naman papayag ang mama mo na hindi kita isasama"

"Papa bakit po kasi uuwi pa tayo sa Japan, maayos naman ang buhay natin dito ah. Makikitira na lang po ako kanila Norelle, o kaya kanila tita, kanila Zephyr." pangangatwiran ko.

"Hindi pwede anak. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo. At sa bakasyon ay aalis na tayo."

Parang gumuho ang mundo ko, masaya ako dito kasama ng mga bestfriends kong sina Frances at Norelle.

Kinabukasan pagpasok ko, umupo muna ko sa sementadong upuan sa labas ng room ko dahil napaaga ako at mamaya pa mag start ang klase, nagiisip ako kung paano magpapaalam kanila Norelle nang biglang may umupo sa tabi ko.

"Hi Anya!" si Chris.

Tiningnan ko lang siya saka tumingin ulit sa malayo. Ayokong ientertain itong si Chris, alam kong sobra ang pagkagusto niya sa akin dahilan naman para madalas masaktan ang kaibigan kong si Norelle. At yun ang ayokong makita.

"Anya, kelan mo ba ko sasagutin? Alam ko naman na nagpapakipot ka lang sa akin eh diba?" sabi niya na pagkatapos ay tumawa ng malakas.

Hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Uyy Anya my loves ano na?"

Nagpintig na ang tenga ko sa inis "Pag hindi ka lumayas sa harapan ko Chris ihahampas ko 'tong bag ko sa nakakairita mong pagmumukha!"

"Ang sungit naman ng mahal ko. Kelan mo ba ko sasagutin? Bahala ka baka maunahan ka ni Norelle, kaya lang ayoko naman doon kay Norelle eh, siya lang ang may gusto sa akin. Ang gwapo ko kasi no mahal?" pagyayabang niya.

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon