CHAPTER 4

122 4 2
                                    

CHAPTER 4

"Ayy naku ma'am! Pasensiya na! Ako ho itong tatanga tanga natapilok po ako kaya ho nabangga ko kayo, Sorry ho ma'am ah!" pagsisinungaling ni Manong Ted.

"Okay lang po, hindi naman po ako nasaktan, kahit medyo napalakas ho ata yung pagkakabangga ninyo" nakangiting sabi ni ms. G.

Para akong matutunaw sa mga ngiting iyon. Dati hindi ako naniniwala sa love at first sight. Para sa akin napaka babaw ng mga taong nakakaranas nun, pero napatunayan ko sa sarili ko na totoo pala iyon. The first time I saw her, I suddenly realized that love at first sight really exists.

"Pasensiya ka na talaga ma'am," kunwaring nahihiyang sabi ni manong Ted.

"Ang sabi ko po okay lang, dito po ba kayo nagtatrabaho manong?" nakangiti pa rin si ms. G.

"Ayy opo ma'am, driver po ako nang may-ari nitong store. Naku ma'am, napaka gwapo ng amo kong 'yon, matalino pa, alam niyo ba ma'am, napakaraming nagkakagusto doon! Ang dami na ring nag offer doon para kunin siyang artista at model, pero ayaw niya lang. Bata pa po yun ma'am! Bagay po kayo! Ahahahaha" super proud na sabi ni manong.

"Ahahahahaha palabiro ho pala kayo manong!----" Biglang naputol yung sasabihin ni ms. G. nang biglang mag ring yung cellphone niya.

"Ayy excuse me po manong ha" nagmamadali siyang naglakad palabas para sagutin yung tumatawag sa kaniya.

Bigla kong naisip. . .

Paano kaya kung hindi na single si ms. G. . .

Paano kaya kung may boyfriend siya . . .

At kung wala man, paano kung may nagugustuhan na pala siya . . .

Biglang sumama ang pakiramdam ko sa mga naiisip ko ngayon. Hindi imposible ang mga iniisip ko. Ang imposible ay yung walang nagmamay ari sa kaniya. Sa napakagandang babaeng si ms. G.

Napabuntong hininga na lang ako nang biglang lumapit si manong sa akin.

"Sir nakita mo ba yung ginawa ko! Nakausap ko na ho si ms. G.!" tuwang tuwa na sabi niya.

"Eh bakit parang kayo ho ang tuwang tuwa? Naku manong wag nyo sabihin sa akin na may gusto rin kayo kay ms. G.?" pagbibiro ko.

"Sus naman sir Zephyr! Kilabutan naman ho kayo diyan sa sinasabi niyo. Eh parang matanda lang yun ng konti sa panganay na anak ko eh! Ahahahahahaha natutuwa lang po ako kasi alam kong first time mo siyang nakitang ngumiti at magsalita. Ano sir Zephyr kinilig ka ba? Ahahahaha"

"Kayo talaga puro ho kayo kalokohan, pero manong maraming salamat ha?" seryoso kong sabi.

"Wala ho yun sir Zephyr! Kahit ano pa ipagawa ninyo sa akin gagawin ko yun! Parang anak na kita. Alam mo namang puro babae ang mga anak ko eh diba sir? Kaya para sa akin ikaw ang anak kong lalaki! At gagawin ko lahat para sa mga anak ko." parang naluluha pang sabi ni manong.

Totoo naman yun. Parang mag ama na ang turingan namin ni manong. Pag may mga event nga dati sa school na kailangan ang mga magulang, si manong Ted lagi ang pumupunta. Since super busy ang parents ko. Pag may sakit ako, kahit na marami kaming kasambahay, si manong ang nag-aalaga sa akin. At madalas niya kong dalhin sa probinsya nila at sa bahay nila dito sa lunsod. Kaya kahit di ako masyadong naaasikaso nang mga magulang ko. Masaya ko kasi nagkaroon ako nang isa pang pamilya. Si manong Ted at ang kaniyang buong pamilya.

Napatalikod ako nang makita kong pabalik si ms. G.! Lumingon naman si manong sabay lapit sa kaniya.

"Hi ma'am, bumalik po kayo? Siguro curious kayo sa itsura ng amo ko no? Siguro gusto niyo sya makita para malaman yung mga sinasabi ko kanina? Ahahahahaha" panunukso ni manong Ted kay ms. G.

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon