CHAPTER 5

123 4 0
                                    


CHAPTER 5

NORELLE'S POV

"I'm so excited! yeah! And I just can't hide it yeah! yeah! yeah!" tuwang tuwang pagkanta ko.

"Where have you been?" tanong ni ate Hope.

"Bakit mo tinatanong ate Hope si Rihanna ka ba?"

"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo diyan?!"

"Si Rihanna lang ang may karapatang magtanong no'n. Where have you been all my la a a ayf" saka ako kumanta ng where have you been ni Rihanna.

"Ewan ko sa'yo, pangit mo!" Sabi ni ate Hope saka sumabay sa tugtog na narinig niya sa kapit bahay. "I love you, you love me, we're a happy family, with a great big hug and a kiss from me to you. Won't you say you love me too"

Pumalakpak ako, "Wala ka pa ring kupas Barney! Ang husay mo pa ring kumanta! Alam mo ba bata palang ako idol na kita?" Sabi ko kay ate Hope sabay halakhak ko ng malakas.

Inirapan lang ako ni ate Hope.

"Ang saya saya naman ng mahal ko. Anong meron?" si Frances. Dito na siya muna tumutuloy sa amin dahil nga napalayas siya sa kanila.

"Yesh, shobrang shaya ko! Franshes, Kashe naman eh" pagbibiro ko.

"Ayusin mo nga yang salita mo Norelle! Para kang may sakit!" kontrabida na naman to si ate Hope.

Inirapan ko lang siya. Yung nakamamatay na irap! (Joke lang walang ganun!)

"Masaya siya Frances kasi nadagdagan na naman nang isang taon ang panloloko sa kaniya nang boyfriend niyang gwapo. . .

Pero. . .

. . . ang utak ga munggo" panlalait ni ate Hope sa bf ko.

"Grabe ka naman makapanlait sa boyfriend ko ate Hope! Hindi ga munggo ang utak niya no!" pagtatanggol ko kay bf.

"Eh ano" si ate Hope

"Pwede ga kalamansi? Para medyo malaki? Ahahahaha" pagbibiro ko.

"Wow mahal, oo nga pala anniversary niyo ni Chris. 4 years na kayo!" si Frances

"Oo naman yes!" Proud na sagot ko.

"Oo naman yes! 4 years na sila ni Chris na hanggang ngayon ay patay na patay pa rin sa kaibigan ninyong si Anya! Ahahahaha" si ate Hope

Tinitigan ko siya "Ate Hope sumusobra ka na ha, Patay na patay siya kay Anya dati oo pero dati lang yun."

"Sige paniwalain mo sarili mo Norelle. . . Oh eh diba madalas pa rin niyang hanapin sayo si Anya? Kung kelan uuwi nang Pilipinas? Alam mong niligawan ka niya kasi binasted siya ni Anya na halos ikamatay niya. Ahahahahaha"

"Tama na ha!" Pagsaway ko kay ate Hope.

At di pa pala siya tapos "Siyempre ikaw naman ultimate crush mo si Chris, to the rescue ka naman, sinalo mo naman dahil akala mo niligawan ka niya kasi gusto ka niya talaga. Pero alam na alam mo sa sarili mo Norelle Cyan Elijah Ruiz na ginawa ka lang niyang what??? Panakip butas!"

"Alam mo ate Hope lagi mo na lang pinamumukha sa akin yan. . . Lagi mo nalang kaming kinokontra ni Chris" pagalit kong sabi.

"Dahil kapatid kita Norelle, alam mo kung hindi lang kita mahal at hindi ako nag aalala sa'yo tuwing iiyakan mo yan si Chris pababayaan kita. Eh kaya lang responsibilidad ko biglang kapatid mo na alagaan ka. At di ako papayag na lagi ka na lang sasaktan niyang boyfriend mo! At alam na alam natin na totoo ang mga sinasabi ko. O gusto mo pa bang tanungin natin si Frances?" damang dama ko ang inis ni ate Hope habang binibitiwan niya ang mga salitang iyon.

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon