CHAPTER 14

98 3 0
                                    


CHAPTER 14

Nakatingin lang kami ni Zephyr kay Frances.

"Sabi ko ano ginagawa niyo" paguulit niya

Nataranta si Zephyr pagkakita kay Frances, umayos siya nang pagkakaupo "Ah wala Frances, nahila lang ako ni Norelle kaya ganun, yun lang"

Tiningnan ako ni Frances "Totoo yun mahal, Ahahahaha ano ka ba ano naman gagawin namin? ehehehe"

"Okay. Ba't mo nga pala ko tinatawag?"

"Ha?" Ba't ko nga ba siya tinawag.

Ngumiti ako kay Zephyr. "Si Zephyr kasi umutot ang lakas mahal grabe! Nagbi beat box! Sabi ohh broooooot to to to to tooooot ahahahahaha" pagbibiro ko.

"Ahahahahaha yuck Zephyr!" sabi ni Frances.

"Ha hi-hindi to-too yun Frances!" nauutal si Zephyr.

Ahahahaha nakaganti din ako kay Zephyr ahahahaha.

Tawa pa rin ng tawa si Frances "Sige wait baba lang ako ah, tulungan ko lang si ate Hope magluto ng lunch."

Pagbaba ni Frances. Tinitigan ako ni Zephyr.

"Oh bakit? Makatitig ka para 'kong may ginawang masama ha!" maang maangang tanong ko sa kaniya.

"Hindi na kita tutulungan! Bahala ka na diyan. Uuwi na ako." sabi niya.

"Ok ingat! Hoy ano ka ba joke ko lang naman yun eh, sorry na Zephyr!"

"Napaka isip bata mo Norelle! Alam mong may gusto ako kay Frances ba't mo ko pinahiya ng ganon?!"

Sumilip ako sa pintuan, at saka sumigaw "Mahal joke lang yung pag utot ni Zephyr ha! Gawa gawa ko lang yun"

Narinig din ni Zephyr yung pag sigaw ni France "Okaaay!"

Pumasok na ulit ako sa kwarto. "Ayan ha! binawi ko na! Sorry na Zephyr! please"

"Ah basta ayoko na!" sabi niya.

Hindi ko na siya pinilit, naiinis ako sa sarili ko, minsan kasi di ko iniisip na nakaka offend na yung mga biro ko.

"O sige na, hindi na kita pipilitin, wala ka rin namang mapapala sa pagtulong sa akin eh. Kumain ka na muna bago ka umalis." sabi ko. At bumaba na ko papunta ng kusina.

Ano na kayang gagawin ko ngayon? Hindi na ko matutulungan ni Zephyr.

Nakita kong bumababa na rin si Zephyr. Tiningnan niya ako.

"Norelle, kumain na kayo dito" pag-aaya ni ate Hope.

"Halika na" sabi ko kay Zephyr.

Sumunod na siya sa akin papuntang kusina.

Habang kumakain kami, walang nagsasalita sa aming dalawa. Hanggang sa matapos kaming kumain hindi ako pinapansin ni Zephyr.

Maya maya, nagpaalam na siyang uuwi na.

"Ate Hope, Frances uuwi na ko. Salamat sa masarap na lunch."

"Sige Zephyr. Salamat din. Lagi mo sana bantayan ang kapatid ko ha?" si ate Hope.

"At wag mo siyang sasaktan ng tulad ng ginagawa ni Chris sa kanya. Kundi mananagot ka sa akin." Pagbibiro ni France.

"Mamamatay na ba ko? Ba't puro habilin tungkol sa'kin?" Sabi ko.

"Don't worry ate Hope, Frances. Hindi ko sasaktan si Norelle" sabi ni Zephyr.

Hinatid ko na siya palabas.

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon