CHAPTER 29

82 3 0
                                    



CHAPTER 29

Gabi na nang makauwi kami ni Zephyr, kumain kami at saka ako hinatid sa bahay.

"Magpaalam ka muna kanila ate Hope, pasok ka muna at tatawagin ko si Frances." sabi ko.

Parang may tumusok sa dibdib ko nang maalala kong magkaibigan nga lang pala kami ni Zephyr. Na hindi ako yung talagang pinupuntahan niya dito kundi si Frances lang.

Naguguluhan talaga ako, parang kailan lang nag iiiyak pa ako dahil gusto kong magkabalikan kami ni Chris, pero ngayon naman para kong nasasaktan dahil hindi ko malaman kung ano ba yung nararamdaman ko kay Zephyr. O ayaw ko lang aminin na mahal ko siya.

"Norelle, wag mo nang tawagin si Frances, gabi na rin kasi baka tulog na yun maistorbo ko pa, uuwi na ako." sabi niya

"Ah sige ikaw bahala. Thank you Zephyr ha, ingat ka pauwi."

"Salamat. I will call you kapag nakauwi na ko."

"Bakit?" tanong ko.

"Wala lang, para hindi ka mag alala kung nakauwi na ba ako or hindi pa?"

"At sino namang nagsabi sayo na nag aalala ako sa'yo Zephyr?"

Namula siya sa sinabi ko at parang nakita kong medyo nalungkot siya.

Ngumiti ako, "I'm just kidding Zephyr."

Ngumiti din siya, "Goodnight Norelle."

"Goodnight"

"Can I hold your hand Norelle?"

"Why?" nagtatakang tanong ko.

"Ah hindi nagbibiro lang ako, sige na akyat ka na muna bago ako umalis."

"Ikaw na muna ang umalis dahil isasara ko ang gate."

Natawa siya sa katangahan niya, "ayy oo nga pala"

Hinawakan ko ang kamay niya. Mag ka holding hands kami na lumabas ng gate.

"Oh ayan na ha, okay na ba yan Zephyr?" sabi ko

Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko dapat ginawa yun, Nililigawan niya ang bestfriend ko. Pero bakit parang nagugustuhan ko siya. Hindi ito tama.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, "Pwede bang mamaya mo na bitiwan ang kamay ko?"

Alam kong walang gusto sa akin si Zephyr, ang paglalambing niyang 'to ay marahil nami miss nya lang ako dahil naging magkaibigan na rin kami.

Binawi ko na ang kamay ko, "Umuwi ka na."

"Okay." matamlay niyang sagot

Bago siya sumakay ng kotse, tinawag ko siya.

"Zephyr!"

Lumingon siya.

Ngumiti ako, "I'm glad we've met. If ever na sagutin ka ng bestfriend ko, Please promise me na hindi mo siya sasaktan. Wag mo siyang paiiyakin. At alam ko naman na hindi mo gagawin 'yun dahil alam kong mabuti kang tao."

"Goodnight Norelle" malungkot na sabi niya saka tuluyan nang sumakay ng kotse.

Dumiretso na ako sa kwarto ko sa itaas, nandoon si Anya at Frances nagkukwentuhan habang nakahiga.

Nginitian ako ni Anya, "Musta yung date niyo?"

Humiga ako sa gitna nila, "Anya hindi kami nag date okay? Hmp!"

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon