CHAPTER 18

87 4 0
                                    


CHAPTER 18

"Norelle gising bili!" Natatarantang si ate Hope!

"Bakit? May sunog na naman ba?" Painat kong sabi.

"Bilisan mo na!"

"Bakit ba ate Hope! Inaantok pa ko eh! Ano ba nangyari?"

"Nandiyan si Anya sa baba! Magkausap sila ni Frances bilis!"

Tinitigan ko si ate Hope. madalas niya kong biruin tuwing gigisingin. Kaya di ko alam kung maniniwala ako o hindi. Bigla siyang ngumiti. Sabi ko na nagbibiro na naman si ate Hope eh. Dahil di na ko makatulog tumayo na lang ako.

"Wala ka talagang magawang matino tuwing umaga eh no? Ba't di mo kaya subukang mag exercise nang magsipag layasan naman yang mga namumuo mong taba" natatawang sabi ko.

Nakangiti pa rin si ate Hope. Ano kayang trip nitong ate ko. Di ko na siya pinansin at pumasok na lang sa banyo. Maliligo na lang ako kesa intindihin ko pa ang ka abnormalan ng kapatid ko.

Habang naliligo ako naisip ko sana totoo na lang yung sinabi ni ate Hope, pero malabong bumalik pa dito si Anya. Kasi kung talagang pinahahalagahan pa niya ang pagkakaibigan naming tatlo nila Frances, sana matagal na siyang nagparamdam sa amin. Nandiyan naman sina kumareng Facebook, Twitter, Instagram at kung ano ano pang social media na nagsulputan. Hindi man lang siya gumawa ng way para makausap kami. Samantalang kami ni Frances todo hanap kami sa kanya. Kung may konting tampo ako sa kanya, mas lamang naman ang pananabik kong makita siya. Kahit pa siya yung babaeng mahal ng taong pinakamamahal ko. Si Chris.

After 40mins. natapos na rin ako sa pagligo. Lumabas na ko saka nagbihis. Naupo lang ako sandali sa kama. Iniisip ko si Chris. Gusto ko nang magkabalikan kami. At muntik na 'yon mangyari kung hindi lang tatanga tanga tong si Zephyr. Aaaah naiinis talaga ko. Sana ngayon okay na kami! Sana kami na ulit.

Yung eksena pa rin na iyon ang iniisip ko habang padabog akong bumababa sa hagdan.

Anong nangyari sa bahay namin? Bakit may maleta at ang daming nakakalat na paperbags? Sinong balik bayan?

Naisip ko pakulo na naman to ni Zephyr para magpapansin kay Frances.

Nang makababa na ko sa sala narinig ko yung boses ni Frances sa kusina may kausap siya. Baka nga nandito si Zephyr, may dalang almusal. Swerte ng damuho ha nasolo si Frances.

Pagpasok ko sa kusina hindi si Zephyr ang nakita kong kausap ni Frances. Babaeng mahaba ang buhok. At kahit ilang taon kaming di nagkita, kilalang kilala ko pa rin ang babaeng ito kahit pa siya nakatalikod.

"A-Anya. . ." nanginginig ang boses ko nang tinawag ko siya.

Paglingon niya, nakita ko na naman yung mas lalo niyang gumandang mukha. Tumayo siya saka lumapit sa akin at niyakap ako nang pagkahigpit higpit.

Niyakap ko rin siya. Walang nagsasalita sa aming dalawa.

Nang humiwalay na siya sa akin tinitigan niya ko at pinahid yung mga umaagos ko nang luha.

"Tahan na Norelle." Pagaalo niya.

Umiiyak pa rin ako. Hindi ako makapaniwala. Kanina lang, iniisip ko na sana nandito siya, kasama namin ni Frances. Ngayon kaharap ko na siya. Gusto kong itali siya sa upuan baka kasi umalis na naman siya pero ang mga sumunod niyang salita ang nagpagaan sa loob ko.

"Tahan na Norelle, Don't worry hindi na ko aalis. And that's a promise" nakangiti niyang sabi.

Hindi ako nagsalita at niyakap ko lang siya.

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon