CHAPTER 6

112 2 0
                                    


CHAPTER 6

*Tok tok tok

"Hon. . ."

*Tok tok tok

Nagising ako sa pagkatok na 'yon sa pinto, nakatulog pala ko dahil sa pag iyak kanina.

"Hon. . ."

Nawala ang lungkot ko nang marinig ko ang boses na iyon. Nandito ngayon ang boyfriend ko. Medyo gabi na, pero atleast di niya nalimutan pumunta sa araw nang anniversary namin.

Binuksan ko ang pinto at pagkakita sa kaniya ay niyakap ko agad siya.

"Happy anniversary hon!" ang bati ko.

"Happy anniversary" malungkot na tugon niya.

"Oh bakit malungkot ka ata? Di ka ba masayang nadagdagan nang isang taon yung relasyon natin?"

"Masaya ako. Medyo pagod lang. Gusto mo ba kumain? Di pa kasi ako kumakain eh.Halika may pupuntahan tayo" ang sabi niya.

"Sige, hintayin mo na lang ako sa baba at magbibihis lang ako."

"Sige" sabay talikod nya at tumungo sa hagdan.

Sinara ko na ang pinto at tumungo sa CR para maligo ulit. Pagkatapos tiningnan ko sa Cabinet kung anong damit ang pwede kong suotin.

Kinuha ko yung red na longsleeve dress ko na hanggang upper knee ang haba. Sinuot ko at tumingin sa salamin. Kitang kita kong lumitaw ang kaputian ko dahil sa kulay ng dress. At hapit ito sa katawan ko, dahilan para makita ang korte ng katawan ko. Lalo din akong tumangkad dahil medyo maiksi ito, pero hindi naman masagwa. Pinusod ko ang buhok ko, sabay nagayos nang mukha ko. Naglagay ako ng eyebrows, mascara at red lipstick. Tinignan ko ang ayos ko sa salamin bago bumaba. At satisfied ako sa ayos ko.

Pagbaba ko nakangiti sa akin ang boyfriend ko. Nandoon din si Frances, pero wala si ate Hope.

"Wow mahal! Napakaganda mo naman mahihiyang dumikit ang mga model sa'yo ngayon ang ganda mo grabe!" ang bati sa akin ni Frances.

Natawa ko sa pag ka exaggerated niya, "Hmp! Sinasabi mo lang yan kasi bestfriend kita."

"Totoo nga! Kung naging lalaki lang ako, malamang inagaw kita dito kay Chris eh." pagbibiro niya.

"Mabuti na lang pala't di ka naging lalaki mahal" sabi ko.

"O siya't gagabihin na kayo. Umalis na nga kayo. Umuwi nang maaga Norelle ah! Baka kung saan saan ka pa pumunta" si Frances.

Natawa kami ni Chris. "Opo inay Frances, uuwi po kami ng maaga! Wag po ninyong isara ang pinto ha? Nay? Ahahaha" pagbibiro ko.

Natawa din siya at humalik sa pisngi ko "Sige na alis na, Chris ingatan mo tong mahal ko ah."

Ngumiti si Chris "Oo Frances, sige alis na kami"

"Sige"

Lumabas na kami ng pinto at nakita namin si Boy banat, isa sa madalas sa computer shop namin.

"Norelle, idol! Lalo kang gumaganda ah! Bulaklak ka ba?" ang banat niya.

"ayy naku Boy banat! Tigilan mo ko sa mga banat mo ah. Aalis na kami. Bukas mo na ko kulitin. O kaya si Frances ang kulitin mo." Pagkasabi ko ng pangalan ni Frances, nakita kong namula siya.

Natawa ko dahil alam kong patay na patay siya kay Frances, kaya kahit may Computer siya sa bahay, nagrerent pa rin siya sa computer shop namen para lang magbakasakaling makita si Frances.

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon