CHAPTER 22

92 2 0
                                    

CHAPTER 22

1 week kaming hindi nagkita ni Zephyr, busy siguro siya. Hindi rin siya nagtetext o tumatawag. Okay lang yun tutal wala naman talaga kaming relasyon. Pero nakakamiss siya sobra.

Naisip ko mag pinta para iregalo sa kanya.

Kinuha ko yung mga gamit ko pampinta at saka ko sinimulan. 3 hours din bago ko natapos yung ginagawa ko. Isang abstract painting. Inisip ko maapreciate niya kaya to? Eh para namang hindi siya mahilig sa paintings. Pero bahala na ibibigay ko pa rin ito sa kaniya. Patutuyuin ko lang muna pagkatapos mamayang hapon dadalhin ko na sa ZM Music Store, kasi hindi ko naman alam yung bahay nila.

Nang umakyat si Anya, nakita niya yung painting na ginawa ko.

"Wow Norelle, ang ganda naman nito! Ibebenta mo?"

"Ah hindi ibibigay ko kay Zephyr."

"Ang sweet naman! Monthsary niyo ba?" Tanong niya?

Napaisip ako. Oo nga pala! 3months na nga pala kaming nagpapanggap ni Zephyr. Kelan nga ba dapat kami magcecelebrate ng three months na pagpapanggap? Napaisip ako.

Yung day na niyaya ako ni Zephyr, na kumain kami at nanood ng sine. Yung day na binigyan niya ko ng painting. Tama oo yun nga yung ika 3 months.

"Yup Anya! 1 week ago pa. Ngayon lang ako magbibigay ng gift." sana hindi ako nahalata ni Anya.

"Norelle, I'm happy for you. Alam kong mabuting tao ang pinsan ko, and I'm sure he will never hurt you like what Chris did."

"Alam ko naman yun Anya. Sana nga si Zephyr na lang." wala sa sarili kong nasabi

"Anong sana si Zephyr na lang Norelle?"

"Ah what I mean is sana yung mga panahon na si Chris ang minahal ko, sana si Zephyr na lang yun."

"Oo nga, hindi na lang sana si Chris yung nagustuhan mo, hindi ka sana niya nasaktan at hindi sana tayo nagkalayo nila Frances nang ganoon katagal"

Tiningnan ko siya. Tama ba ang narinig ko?

"Kaya ba hindi ka nakipagkita o nakipagusap sa amin Anya? 'Yon ba ang dahilan?"

Parang nagulat si Anya. Saka tumayo.

"Norelle, wag mo nang intindihin yun okay? Ang importante, magkakasama na ulit tayo" ngumiti siya saka nagmamadaling lumabas ng pinto

"Ang weird nito ni Anya" tumayo na ko saka nagpunta sa CR para maligo.

Naghanda na ko para pumunta sa store ni Zephyr.

Inayos ko na rin yung gift ko na ibibigay sa kanya. Saka ako pumunta sa Computer Shop para magpaalam kay ate Hope.

Nagtaxi na lang ako papunta sa ZM Music Store. Pagpasok ko sinalubong agad ako nung isang girl na nagtatrabaho doon.

"Hi ma'am, kayo po yung girlfriend ni sir Zephyr di po ba?"

"Yes. Nandiyan ba siya?"

"Ayy naku ma'am, 2 days na po siyang di pumupunta ang sabi po ni manong Ted eh, may sakit daw po. Hindi po ba ninyo alam?" nagtatakang tanong niya.

"Ah hindi eh," nahihiyang sagot ko. Oo nga naman girlfriend ako tapos, hindi ko alam na may sakit?

"Para po siguro hindi kayo mag alala,"

Ang galing mo ate! Tama! "Siguro nga. Nandiyan ba si manong Ted?"

"Ayy wala po eh,"

Paano ko naman mapupuntahan si Zephyr? Ayoko naman itanong dito kay ate yung address ni Zephyr. I'm sure hindi niya alam.

Ms. Desperate 2016 (NORELLE)#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon