Prologue

42.2K 1K 217
                                    

     Kapag bampira ka, hindi ibig sabihin pantay ka sa iba pang bampira. Hindi ibig sabihin na pare-pareho kayo sa lahat ng bagay. Hindi ganoon dito sa mundo namin. Kailangan ng status, power at rank para maging angat ka sa lahat. Kailangan may sa itaas, may sa ibaba. A heirarchy was established amongst us and it governs the vampire world.

     Nakahiwalay ang school ng ordinaryong bampirang gaya ko sa mga elites at royalties. Ang mga royalties at elites ay pumapasok sa Grayson Academy samantalang ang mga commoners ay sa Common Vampire School pumapasok. Masyado kaming magkaiba at maituturing na putik lamang kami sa mga elites. Kami ang tinaguriang 'vampire commoners' - mga walang posisyon sa vampire society at pawang mga trabahador o tagasilbi lamang.

      Ako si Tatiana Jade Scarlet. Isa akong vampire commoner. Nag-aaral sa Common Vampire School at sampung taon nang naninilbihan sa palasyo ng mga Grayson. Isa akong palace maid - tagaligpit, tagalinis, tagahanda; lahat na yata naggawa ko na.

       Pero paano nga ba kung makapasok ako sa Grayson Academy? Tatanggapin ko ba? Pagkakataon ko na rin naman 'di ba? Pagkakataon ko na rin itong makaangat sa buhay.

       Subalit alam kong hindi rin madali dahil hindi basta-basta ang mga nag-aaral sa Grayson Academy.

        They are the crème of the crop, the smartest, and the most powerful.

         And one more thing...

The Prince of Blood rules the school.

*****

      "You don't belong here," singhal ng isa sa mga classmate ko - si Georgina Heinz, anak ng isang mataas na opisyal ng palasyo.

    Tinulak ako ng isa sa mga minion niya kaya napasalampak ako sa sahig. Hindi na dapat ako nagulat sa ganitong trato ni Georgina. Ako lang naman ang pinakabagong scholar at bagong target ng lahat.

    "Hindi ko alam kung bakit nagpapasok pa ng mga low-class dito," inirapan ako ni Mildred Camry, kabarkada ni Georgina.

     "A petty scholar,"  inismiran ako ni Heidee Tremayne, isa pang bruha.

     Nanatali lang akong nakasalampak. Napayuko din ako dahil ayoko silang harapin. Kailangan ko 'tong tiiisin dahil sa oras na lumaban ako, siguradong tatanggalin ako dito. Siguradong kick-out agad ako.

     Nagtaka ako nung tumahimik sila. Maririnig lamang ang ilang mga yabag papalapit sa kinaroroonan ko. Napaangat ang tingin ko at laking gulat ko nang makita ko si Prince Dark. Ngayon ko lang uli siyang nakaharap ng malapitan. Noong mga nakaraang araw ay napapadalas na rin ito at hindi ko alam kung bakit. Itim na itim ang kanyang magulong buhok na bumagay sa kanyang maputing balat. His eyes are just like his father's - intense and intimidating. His nose and lips are sculpted perfectly. Hindi maipagkakailang higit na mas gwapo siya kumpara sa mga ordinaryong bampira. Nakanganga sina Georgina, Mildred at Heidee sa gwapong nilalang na nakatayo sa harap ko. Nakakagulat naman talaga dahil tahimik lang ang prinsipe at mistulang walang pake sa kanyang paligid. Himalang maituturing kung kausapin ka niya. Pero bakit siya nandito? Wala manlang ekspresyon ang mukha ng prinsipe pero nang magtama ang paningin namin, kinabahan ako. May kakaiba sa kanya - titig niya pa lang nakakatakot na. There is something about him and it's not good.

     "Stand up," utos ni Dark.

     Dali-dali naman akong tumayo. Yumuko ako, gaya nang nakagawian. Kapag isa kang maid, bawal mong tingnan ang master mo.

     "Prove to me that you deserve your place here or else, I'll make your life miserable."

     I looked up to see him and when our gazes met for the second time this day, I know he is serious with this.

    Hindi ko alam pero dahil sa sinabi niya, nabuhayan ako ng loob. Kahit may kasama pa iyong pagbabanta, parang nabigyan pa ako ng pag-asa.

    There is no other way but to fight for my place in Grayson Academy.

******

Dedicated to: Purpleyhan because her stories are just AWESOME.

An: ito na na talaga ang story ni Dark. Heheh. Next chapter mamemeet niyo mga characters. Sana abangan niyo.

Ps. Pwede niyong basahin 'to kahit hindi niyo nabasa yung MTAVP I and II

Pps. Like I said, may bago na tayong bida Sana magustuhan niyo rin siya. At si Dark omg. Hahah naooverwhelm ako sa mga nang-aangkin sa mga boys ko haha eg. Dark, Liam, Stephan at Dylan ;)

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon