Lumabas na ako ng opisina ni Mrs. Collins. Nagulat ako sa narinig ko - sa special ability kong sobrang delikado. Hindi ko alam kung maswerte ba ako o malas dahil sa lakas nito. I think it's the latter."Tati!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko Stephan. Nakasandal siya sa pader, sa gilid ng pinto ng opisina.
"Ginulat mo naman ako," napahawak ako sa dibdib ko. Bigla-bigla na lang kasi siyang sumulpot.
"Sorry. Hehe. Kanina pa ako dito e. Hinintay kita," nahihiyang sabi niya. Napakamot pa siya sa batok at namula ng kaonti.
Naghintay siya dito sa labas? 'Di kaya alam na niya ang pagiging power negator ko? 'Di kaya narinig niya ang pinag-usapan namin?
"N--naranig mo ba ang pinag-usapan namin?" tanong ko. Sana hindi niya narinig. Binilin kasi sa'kin nila Mr. and Mrs. Collins na isikreto muna ito. Sinabi rin nila sa akin ang mga consequences kapag nalaman ng lahat ang pagiging power negator ko at hindi ko iyon nagustuhan. Mabuting isikreto na lang itong kakayahan ko.
"Ha? Hindi nga e. Sayang. May spell naman kasi sa lahat ng rooms dito. Sound proof lahat kaya hindi maririnig mula dito sa labas. Hindi tuloy ako nakapag-evesdrop," sagot niya.
"Loko 'to. Tsismoso mo a," natawa ako, "bakit ka nga pala naghintay dito?"
Biglang sumeryoso si Stephan. Sandaling nawala ang ngisi niya.
"Nag-aalala lang ako sa'yo, Tatiana."
Natahimik kaming dalawa. Nag-aalala siya?
Tapos bigla niya na lang ginulo ang buhok ko.
"Ang seryoso mo naman," sabi niya.
"Uhm. Nasan na sila Steph?" pag-iiba ko. Pasimple ko ring inayos ang buhok ko na ginulo niya.
"Ay oo nga pala, tara na. Naghihintay na sila doon sa Dining Hall," hinigit niya na ako.
***
Pagpasok namin ng Dining Hall, halos malula ako sa nakita ko. Gaya ng ibang kwarto sa Arch, ang sahig ay gawa sa hardwood. Ang mga pader ay kulay cream, at nagtataasan rin ang mga kisame. Higante at nagniningning ang chandelier sa gitna - iyon na yata ang pinakamakinang na bagay sa buong hall. Ang ini-expect ko ay ordinaryong cafeteria gaya nung sa dating school ko pero hindi ganoon ang Dining Hall ng GA. Ang mga round tables ay binihisan ng kulay gintong linen at doon nakapwesto ang mga candelabra na gawa sa brass, silver utencils at porcelaneous plates. May mga waiter pa na kumukuha ng order at naseserve. Fine dining pa pala ang theme dito.
Hawak pa rin ni Stephan ang kamay ko. Sinubukan ko itong tanggalin mula sa kanyang pagkakahawak pero hindi niya pa rin binibitawan, mas lalo lang lumalawak ang ngisi niya. Hindi na lang ako komontra kahit na hindi ako komportable sa mga titig na ipinupukol ng mga estudyanteng nakakita sa amin. Baka may kalokohan na naman ito at ako ang napili niyang pagtripan.
BINABASA MO ANG
MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)
VampireShe is your average vampire: no fancy family, no extravagant house and no significance to the vampire society. She is at the bottom of the social chain, a commoner to be exact. She is Tatiana Jade Scarlet, the palace maid. He is your royal vampire:...