An. Sorry sa late chapter. Nagrerecover pa ang ovaries ko sa comeback ng exo. Waah. Ok basa na kayo at baka magwala pa ako dito.
"...sold to Prince Dark Alexander Grayson."
Nagtagpo ang mga mata namin ni Dark. Nakatitig na naman siya sa akin. Hindi ko alam pero may kung anong gustong kumawala dito sa loob ko. Kailan pa ba nag-umpisa ang nararamdaman kong 'to?
Tumayo ang lahat at nagpalakpakan. Bumalik na rin ako sa likod at opisyal na tinapos ni Lindy ang party. Pagkatapos ay pinadiretso na rin kami sa Student Council Room.
**
"I would like to thank all of you for the success of this year's auction. Dahil sa inyo, nakakalap ng ten million gold ang school. Lahat ng ito ay mapupunta sa pagpapagawa ng isa pang building dito sa school natin. Again, in behalf of the student council, thank you all. Isa pa, ang mga date ninyo ang madedecide kung saan kayo dadalhin, sagot na iyon ng school. They will take you in a date within this week so be prepared. Don't worry, we have a tracker device implanted on your bracelets para kung may gawing masama sa inyo ang date niyo, which rarely happens, makakarating agad kami. Well, hindi naman nangyayari 'yun so don't worry," ngiting-ngiti si Lindy.
Tumayo na kaming sampung in-auction.
"Thank you again, pwede na kayong bumalik sa mga dorms niyo."
Nagpaalam na rin kami kay Lindy at tuluyan nang umalis.
'Pag labas ko pa lang ng student council room ay ang mapanghusgang tingin ng mga estudyante agad ang sumalubong sa akin. Bakit pa ako mabibigla? Ako lang naman ang babaeng binili ng prinsipe sa halagang tatlong milyong ginto. Minsan naiisip kong baliw na nga talaga si Dark. Sino'ng gagasto ng tatlong milyon para lang sa isang date?
"Siya 'yun 'di ba?"
"She's pretty."
"Nope. I think she's quite plain."
"Tingin mo saang elite family siya galing?"
Hindi ko na pinansin ang mga bulong-bulungan nila sa akin at dumiretso na sa room ko.
***
Weekened passed in a blur. Hindi ko nakita ang magkakapatid na Grayson dahil isinama sila ng mga magulang nila para sa isang family trip sa Russia. Mabuti na rin dahil alam kong magtatanong si Stephanie. Sa totoo lang, baka hindi ko rin kayanin ang awkward atmosphere kung nandito rin sila sa palasyo.
Ngayon, balik Grayson Academy na naman kami. Inusisa ako ng mga kaibigan ko tungkol kay Dark. Siguro ay naghihinala at nagtataka na rin sila sa mga ikinikilos ng prinsipe. Sino ba namang hindi? Kinakabahan na rin ako sa date na iyon. Anytime this week, we will have the date he bought for three million gold.
Sabay kaming pumunta ni Stephanie sa rooms namin. She is awfully quiet. Nagtataka na nga ako dahil hindi pa niya ako inuusisa tungkol sa mga kapatid niya.
Naglalakad kami sa hallway papuntang room at tahimik pa rin siya. Hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako.
"May problema ka ba, Steph?"
"Huh? Uhm, wala."
Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Alam kong nagsisinungaling siya.
"Pwede mo namang sabihin sa akin."
Napatingin ako sa kanya at mukhang iiyak na siya.
"Nung weekend kasi, 'di ba pumunta kami ng Russia? Binisita namin doon ang bahay ng nanay ni Rafael. Pumunta kami sa Dashkov mansion na pagmamay-ari ng pamilya nila Tita Adela. Nandoon rin sila Warren, Xavier at Rafael n'un. It's a family gathering. All of it was fine except for Rafael.Nagulat na lang ako nang hindi niya manlang ako pinansin. He seemed indifferent. Tapos nalaman kong ikakasal na pala siya kaya inimbita kami doon."
BINABASA MO ANG
MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)
VampireShe is your average vampire: no fancy family, no extravagant house and no significance to the vampire society. She is at the bottom of the social chain, a commoner to be exact. She is Tatiana Jade Scarlet, the palace maid. He is your royal vampire:...