■4■ Drunken Prince

17.4K 643 209
                                    

      Dali-dali akong lumabas ng kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

      Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Hindi ko na tinangkang lumingon doon sa kwarto ni Dark dahil sa tuwing naaalala ko ang nakita ko kanina ay nahihiya ako sa sarili ko. Tuliro akong naglakad hanggang sa natumba ako. Hindi ko tinitingnan ang dinadadaanan ko kaya napasalampak ako sa sahig nang may makabunggo ako. Napahimas ako sa noo na natamaan nung nabanggaan ko. Ano ba, Tati? Magconcentrate ka nga! Pero paano ako makakapag-concentrate kung paulit-ulit na lumalabas sa utak ko ang nakita ko kanina? Ngayon naman, may nakabunggo pa ako dahil sa kakaisip kay Dark.

     "Aww," daing ko.

     "Sorry, Miss," sabi ng lalaking nakabunggo ko.

      Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman ito at tumayo na. Pinagpag ko ang aking palda at hinarap ang nakabunggo sa akin.

      May kasama pa pala siya. Lima sila - lahat naka-uniporme. Hindi rin maipagkakailang mga gwapo silang lahat. Hindi pa ako nasasanay na ganito pala ang mga nilalang dito. Lahat na yata ay ipinaglihi sa Greek god.

"Okay lang. Pasensya na, hindi ko rin tinitingnan ang dinadaanan ko," paumanhin ko.

Ngumiti lang 'yung lalaking nakabunggo ko.

"Miss, doon ka ba nanggaling sa kwartong 'yun?" tanong ng lalaki sa pinakagilid. Inosente ang mukha niya at chinito rin gaya ng mga kasama niya.

"Oo," nahihiyang sagot ko. Bigla ko na namang naalala ang nakita ko kanina kaya namula na naman ako. Gosh,Tatiana, stop blushing!

"Nanggaling ka sa kwarto ni Dark?" gulat na tanong ng pamilyar na lalaki. Tama. Natatandaan ko siya noong minsang bumisita siya sa palasyo. Siya si Dylan Andrei Lee, second cousin nila Dark, anak nila Sir Andy at Joannie Lee.

"O--oo," sagot ko.

Nagtinginan silang lima at ngumisi ng nakakaloko sa isa't-isa. Bigla akong kinilabutan sa kanila. Mukhang nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata lamang at gayon pa man ay nagkakaintindihan pa rin sila.

"H--hindi ko naman sinasadyang p--pumasok. A--akala ko kasi--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita 'yung lalaking nakabunggo ko.

"Ako nga pala si Zayden Devonshire. Nice to meet you, Miss," pakilala niya. Mukha namang mabait si Zayden. May katangkaran siya, maputi at gwapo rin. Siya 'yung parang boy-next-door ang dating.

"I'm T--tatiana Jade Sacrlet," kinakabahang sabi ko.

"I'm Xavier Parker," masiglang sabi ng lalaki sa pinakadulo.

"The name is Warren Parker," pakilala nung katabi ni Xavier. Magkamukha sila ni Xavier so I assume na magkapatid sila o magkamag-anak.

Halos mapatalon naman ako nang lumapit sa akin si Dylan. Bigla niya na lang akong inakbayan. Tiningnan ko si Dylan, nakakunot na ang noo ko at hindi ko itinago sa kanya ang pagtataka ko sa pang-aakbay niya.

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon