An: may ud na! Yehey!
Hi mga bes, late naman ud ni author. Sorry na, bati na tayo :-*
"Maghanda na kayo. Importanteng maayos ang hapag ngayon dahil darating ang alpha, ang head warlock, ang mga kapatid ng hari at ang buong pamilya nila. Pagkatapos ninyong maghain, lumabas na kayo agad. Iyon ang utos ng hari at mainam na huwag tayong makigulo," nagsalita si Mama sa harap ng mga katulong. Nandito kaming lahat sa kusina dahil pinatawag kami ni Mama bilang siya naman ang mayordoma dito.
"Ms. Helen, ano po ba ang pag-uusapan nila? Hindi ba nila kakailanganin ng mga tagasilbi habang sila ay kumakain?" tanong ni Sella, isa sa mga tagasilbi.
"Hindi. Iyon ang utos ng hari at sa oras na natapos nang ilapag ang mga kubyertos at pagkain, lalabas na tayong lahat. Walang maiiawan sa loob. O siya, magsibalik na kayo sa mga ginagawa ninyo. Sa ika-sampu ng gabi, dapat ay tapos na ang lahat," dagdag ni Mama.
Bumalik na rin kami sa mga trabaho namin. Pinunasan ko na ang mga kalis at iba pang kubyertos na gagamitin sa hapunan. Tumutulong rin ang kapatid ko pero hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag-uusap. Masama pa rin ang loob ko dahil hindi niya pa sinasabi ang dahilan ng paglipat niya. Nag-aalala rin naman ako lalo na at hindi biro ang pinasok niya.
"Tatiana Jade Scarlet."
Halos mabitawan ko na ang pinupunasan kong platito dahil sa pagtawag ng butler sa akin.
"Po?"
May dala siyang puting box. Medyo may kalakihan ito pero mukhang hindi naman mabigat.
"Ipinapasabi ng hari na iwan niyo muna ang inyong trabaho at saluhan sila sa hapunan," sabi ni Rey, ang butler ng mga Grayson.
"A--ano?" parang binging ulit ko.
"Ipinapasabi ng---"
"Teka, teka! Pinapatawag ako ng hari?" gulat na tanong ko.
Napatakip naman ako ng bibig dahil sa lakas ng pagkakasabi ko. Napalingon tuloy sa'kin ang mga kasamahan ko. Hindi rin maipinta ang mukha ni Mama na mukhng narinig rin ang sinabi ko.
"Oo, Miss Scarlet. Mainam na magbihis na kayo, hihintayin kayo ni Lina sa labas para samahan kayo papuntang dining hall," iniabot niya sa akin ang box na dala niya at saka umalis.
Maya-maya'y dumating na si Lina. Sumunod lang rin ako sa kanya bitbit ang box na ibinigay sa akin ni Rey.
***
Pumasok ako sa silid ko. Binuksan ko ang box at laking gulat ko nang makita ko ang laman nito; isang itim na bestida at sapatos. Sinuot ko ito at sa kabutihang palad ay kumasya naman. Para ngang sinukat e. Sa kabilang banda, bakit kaya ako pinapatawag ng hari?
Inayos ko na lang muna ang sarili ko. Hindi na ako naglagay ng kolorete sa mukha dahil hindi ko naman alam kung paano. Inayos ko na lang ang buhok ko at lumabas na. Naghihintay na roon si Lina.
"Bakit ako pinapatawag?" tanong ko kay Lina. Naglalakad na kami papuntang dining hall.
"Hindi ko rin alam, Tatiana. Pasensya na," sagot ni Lina.
"Okay lang." Pero sa totoo ay kinakabahan ako.
Bumukas ang malaking pintuan ng dining hall ng palasyo. Wala ng mga tagasilbi sa loob at wala na rin si Lina. Halos manigas rin ako sa kinatatayuan ko dahil sa tingin ng mga prominenteng imortal na nagsasalo-salo sa hapag.
Sa gitna nakapwesto si King Stephen habang sa kanan niya ang kanyang reyna na si Queen May. Nasa kaliwa ang magkakapatid na Grayson na sila Dark, Liam at Stephan habang nasa tabi ng kanilang ina si Stephanie sa kanan. Nandoon rin sila Dylan, Allison, Margaux, Zayden, Empress at Rafael kasama ang mga magulang nila. Andoon ang dalawang kapatid ng hari na sila Princess Angeli kasama ang kanyang asawa na si Sir Blake at si Princess Carmela kasama ang kanyang asawa na si Charles. Maayos ring nakaupo ang alpha na si Sir Raven sa tabi ng kanyang asawa na si Lady Adela. Nasa dulo naman ang pinuno ng mga Wood creatures na si Lord Darco at asawang si Lady Faye. Samantala, nakangiti si Sir Andy habang ang asawa niyang si Joannie ay parang nababagot na. Napansin ko rin si Anastasia na tahimik lang rin sa tabi ni Rafael.
BINABASA MO ANG
MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)
VampireShe is your average vampire: no fancy family, no extravagant house and no significance to the vampire society. She is at the bottom of the social chain, a commoner to be exact. She is Tatiana Jade Scarlet, the palace maid. He is your royal vampire:...