■5■ Power Negator

16.4K 658 290
                                    

An: maraming curious sa kung ano ba talaga ang special ability ni Tati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


An: maraming curious sa kung ano ba talaga ang special ability ni Tati. Can you guess? Haha.

Dumampi ang labi niya sa aking leeg.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon - mahirap ipaliwanag. Alam kong wala sa sarili niya si Dark, lasing lang siya. Ang ikinakatakot ko ay ang epekto ng ginawa niya sa akin. Halos manghina ang buo kong sistema. Pakiramdam ko, bibigay ang tuhod ko. Hindi ko rin gusto itong nararamdaman ko, mali ito.

Gamit ng buong lakas ko, tinanggal ko ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Tumayo na rin ako at hinarap ang prinsipe. Alam kong lalabag rin ako sa protocol naming mga maid, lalo na sa gagawin kong ito.

"Mawalang galang na po pero hindi niyo dapat ginawa 'yun. I know you're drunk, your highness, and all of this is just wrong," seryosong sabi ko.

Inilapag niya ang tonic sa mesa. Medyo mapula na ang gilid ng mga mata niya dahil sa alak pero seryoso niya pa rin akong tiningnan. Nawala agad ang lakas ng loob ko, agad itong napalitan ng takot. Sandali kong nakalimutan na siya nga pala si Dark Alexander Grayson at hindi ko siya dapat kalabanin.

"I hate you. I hate your very existance. I hate how you make me feel vulnerable," sabi niya.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko sa sinabi niya. The prince hates me and I didn't even do anything to him. Kanina umaakto siya na parang kailangan niya ako tapos ngayon sasabihin niyang ayaw niya sa'kin? Ano namang kinalaman ko sa nararamdaman niya sa sarili niya? How did I made him feel vulnerable? He's f*cked up.

"I'm just a maid, your highness. Hindi mo kailangang pagtuonan ng pansin ang kagaya ko. I'm just a nobody. I am no one."

"Fine by me. But please do me a favor," seryoso niya akong tiningnan.

His bloodhsot eyes stares directly at me. Nanindig ang balahibo ko sa mga titig niya. All of him screams danger.

"What is it your highness?" magalang kong tanong.

"Don't fall in love with my brother."

Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Marahas siyang tumayo at naglakad palayo sa table namin. Sinundan ng tingin ko ang prinsipe hanggang sa maglaho na siya ng tuluyan.

If only he knew that I already fell for his brother.

****

"Hindi ko alam kung namamalik-mata ako pero mukhang nakita ko dito si Kuya sa table natin. What is he doing here?" inilapag ni Stephanie ang tonic na kinuha niya para sa amin. Kinuha ko naman agad 'yung tonic at ininom ang lahat laman nito. Nalasahan ko agad ang dugo at ilang chemicals na hinalo dito. Mapait pero may matamis itong aftertaste. Uminit ang lalamunan ko, hindi nga pala ako sanay na uminom nito.

"Whoah, easy lang," umupo si Stephanie sa tapat ko. Nakakunot ang nuo niya at parang naweweirduhan na siya sa'kin.

"I really needed that," napabuntong-hininga ako. Mukhang wala namang epekto itong tonic. Hindi naman ako kumalma.

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon