An: Sorry ngayon lang ako nakapag-update. T.T. May inasikaso lang ako kasi lilipat ako ng school. Btw, namiss ko kayo. Hoho. Salamat sa paghihintay. Di bale, sanay na rin naman kayo sa mga hintayan. Charot lungs haha. Ge, magbasa na kayo at 'wag kalimutan ang vote at comment para makapag-update agad ako. Haha.
Dumagundong ang sigawan lalo na nang pumasok ang apat na kalahok sa Archery Event. Ang representative ng Woodflare na si Cindy Field, ay nakangisi at kumakaway pa sa mga ka-dorm niya habang lumalakas naman ang hiyaw ng mga wood creatures para suportahan siya. Sunod kay Cindy ay si Luis Shin - walang ekpresyo't blangko ang kanyang mukha pero marami rin ang naghihiyawang witches at warlock sa kanya lalo na ang mga kababaihan sapagkat hindi naman maipagkakailang gwapo siya. Pumasok na rin si Rafael. Hindi gaya ng dalawa, kalmado lang siya, paminsan-minsa'y ngumingiti rin. Isinisigaw rin ng mga werewolves ang pangalan niya. Huling pumasok si Stephanie. Bakas sa mukha ng prinsesa ang kaba habang nakasunod sa mga makakalaban niya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-aalala niya gayong magaling naman siya. Nakita ko pa nga kung paano niya pinatumba 'yung mga knight hounds doon sa Black Woods kaya alam kong kayang-kaya niya ang event na ito.
Pinaupo muna sila doon sa harap at naglagay ng mga armors at gears.
"Love." Inirapan ko si Dark pero tinawanan niya lang ako. Hanggang kailan ba siya magiging ganito?
"Huwag mo nga 'kong tawaging 'love'," saway ko sa kanya.
"Pakiss nga," ngumuso pa siya sa'kin.
"Kadiri ka," lumayo ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)
VampirosShe is your average vampire: no fancy family, no extravagant house and no significance to the vampire society. She is at the bottom of the social chain, a commoner to be exact. She is Tatiana Jade Scarlet, the palace maid. He is your royal vampire:...