An: It has been three weeks since last update ko at pasensya na po talaga at sobrang tagal. Nakakastress po talaga ang maging estudyante kaya hindi ko masingit 'tong wattpad. Miss ko na kayo. Huhu.
Isa pa, sinali ko po itong story sa #Wattys2016 kaya may ganyang hashtag sa title. Kaya hinihingi ko na mag-vote kayo at mas damihan pa ang comments. Okay lang kung hindi manalo at least tinry ko lang naman 'di ba? Sana suportahan niyo 'tong story. So guys, please continue the support. Vote, comment and share this story :)
***
Hindi ko alam kung ano pa ba ang tama. Para akong nasa bingit ng bangin at may dalawa akong pagpipilian - ang tumalon at mahulog o ang maglakad palayo para mailigtas ko ang aking sarili. Kung hahayaan ko itong nararamdaman ko sa prinsipe, katumbas din n'un ang pagpili kong mahulog na lamang sa bangin. Kung sakali man, sasaluhin niya kaya ako? Maililigtas niya ba ako? O masasaktan lang ako dahil hindi ko pinigilan ang sarili ko? Pwede ko rin namang piliing layuan ang lahat ng ito, pero paano? Paano ako lalayo sa prinsipeng ito?
Hindi ko na alam. Hindi ko alam kung sasaluhin niya ako o siya pa mismo ang tutulak sa akin.
Habang nakalapat ang mga labi namin, hindi ko maiwasang manibugho sa sarili ko. Bakit hinyaan kong mapalapit ako sa kanya?
Tinulak ko siya.
Nabasa ang pisngi ko dahil sa pumapatak kong luha. Nanlabo na rin ang paningin ko pero tinitigan ko pa rin siya. Naikuyom ko ang palad ko.
"Alam mo bang nakakainis ka na? Tigilan mo na ang mga ganito mong asta. Ano ba ang gusto mo kamahalan? Ang mahulog ako sa'yo? Pinaglalaruan mo ba ako?"
Kahit hindi ako sigurado, sobrang nasasaktan na ako tuwing iniisip kong laro lang ito para kay Dark.
Tahimik lang siya pero kita ko ang pagkabigla niya sa mga salita ko.
"Paano kung mahal na kita? Ano ang gagawin mo?" tanong ko.
Naghintay ako sa sagot niya pero wala. Nanatili lang siyang tahimik. Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig. Naggising ako sa katotohanan - laro lang pala ang lahat ng 'to. Muntik ko nang paniwalaan ang lahat. Muntik na akong mahulog.
"Aalis na ako," tinalikuran ko na siya at tumakbo palayo sa kanya.
Umaasa ako.
Umaasa akong hahabulin niya ako pero hindi iyon nangyari.
Tama na ang pakikipaglaro sa prinsipe, Tatiana.
*****
Tahimik lang kami ni Stephanie na naglalakad papunta sa una naming klase. Hindi ko alam pero parang ayaw naming magsalita. Batid ko naman na may problema siya kay Rafael. Bilang kaibigan, dapat damayan ko siya pero heto ako at nakikisabay pa sa kanya.
"Hindi kayo pumasok ni Kuya Dark kahapon. Nag-date kayo?" tanong ng prinsesa.
"Nag-date lang kami dahil sa auction," sagot ko.
Malapit na kami sa classroom.
"Tati, may gusto ka ba kay Kuya Dark?" diretsong tanong niya.
Ilang minuto pa bago ako makasagot. May gusto nga ba ako sa kanya? Sa totoo lang, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako.
"Wala," wika ko.
"Alam mo nung bumalik siya galing sa date niyo, para siyang balisa. May nangyari ba?"
Bigla ko na lang naalala na hinalikan niya ako.
"Wala," pagsisinungaling ko.
Nasa malayo ang tingin ni Stephanie at seryoso siyang nagsalita.
BINABASA MO ANG
MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)
VampireShe is your average vampire: no fancy family, no extravagant house and no significance to the vampire society. She is at the bottom of the social chain, a commoner to be exact. She is Tatiana Jade Scarlet, the palace maid. He is your royal vampire:...