■10■ Run

16.2K 774 754
                                    

Tahimik akong sumunod kay Dark. Ngayon na gaganapin ang Labyrinth Race. Hindi ko pa rin maialis sa isipan ko ang sinabi ni Empress - paulit-ulit kong naaalala na parang sirang plaka. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ni Empress o ni Dark pero sobra pa rin akong naaapektuhan. Napailing na lang ako. Imposible. Napakaimposibleng magkagusto sa akin ang prinsipe at baka nga pinaglalaruan niya lang ako. Pwes, ayokong makipaglaro sa kanya. Pagkatapos ng event na 'to, lalayuan ko na siya.

Ayokong makaramdam ng kahit ano sa kanya dahil alam kong ako lang din ang masasaktan sa huli.

Blangko lang tingin ko sa harap, kung saan naglalakad si Dark. Sumunod lang ako sa kanya patungong entrance ng Labyrinth. Nandito na rin ang pares magmula sa Nighthelm, Enchantrisque at Woodflare para sa labyrinth race.

Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa sobrang kaba. Hindi ko kasi alam kung makakalabas pa kami doon o kung ano ang laman ng labyrinth.

Nasa paligid na rin ang lahat ng estudyante para manuod. Bawal silang lumapit sa amin o sa labyrinth. Nandoon lang sila gilid para mag-cheer at maghintay sa kung sino man ang unang lalabas.

"Ladies and gentlemen, from Woodflare, Jill Wellington and Fritz Shelton."

Itinaas ng dalawang nakasuot ng jacket na brown ang kanilang kamay.

"Nighthelm racers: Richard Hemmings and Lina Stale."

Lumapit na rin ang mga nakakulay bughaw.

"Enchantrisque, Empress Celestine Lockheart and Dusk Trienne."

Tumango lang sina Empress at Dusk na nakasuot ng kulay luntiang jacket.

"Havensblood, Dark Alexander Grayson and Tatiana Jade Scarlet."

Kulay pula naman ang suot namin ni Dark. Brown, blue, green and red - each color represents our dorm.

Pumwesto na kami sa entrance ng Labyrinth. May kulay puting linya doon na nagsisilbing boundary namin.

"The first pair to come out the labyrinth will be declared as winners. Racers, on your mark, get set, go!"

Gamit ang super speed, nagsitakbuhan na papasok ang tatlong pares samantalang kami ni Dark ay nanatili pa rin dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gamit ang super speed, nagsitakbuhan na papasok ang tatlong pares samantalang kami ni Dark ay nanatili pa rin dito. Tatakbo na rin sana ako pero pinigilan ako ng prinsipe at hinigit ang kamay ko. Parang napaso naman ako sa ginawa niya kaya tinanggal ko agad ang pagkakahawak niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ano pa ba ang ginagawa niya?

"Ano na!? Nauunahan na tayo o," sabi ko.

"What's the hurry?" bagot na tanong niya.

"Kamahalan, nasa race po tayo malamang magmamadali tayo," inis na sabi ko.

Pinitik niya ang nuo ko. Napahawak naman ako sa nuo ko dahil doon. Mabuti na lang at hindi gaanong masakit.

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon