■15■ Halloween

16.3K 805 530
                                    

An: Hindi ko alam kung may nagbabasa pa nito. Kung meron man, pakitaas ang paa! Haha. 😂

Anyway, I miss y'all! Di ko alam kung ilang months na akong hindi nakaka-update. All the pm, wallposts and comments are overwhelming. Ang daming nangungulit. Kalma lang kasi mga bes, di ba? Haha.

Yep, tama po kayo, naplagiarize na naman yung MTAVP. Gusto ko talagang magdeactivate na pero what's the use? Ireport na lang kaysa magdrama pa ako.

Sooooo ito na po ang update, enjoy! Lalo na sa classmate ko na bubugbugin daw ako 'pag di ako nag-update haha. Love you! 😂😙

"Allison, bakit nakauniform ka? Asan ang costume mo?" taas kilay na tanong ni Margaux.

"Kailangan ko pa ba ng costume e bampira naman ako," iritang sagot ni Allison.

"Magbihis ka! Hindi ka manlang nag-eefort! Holloween party ito!" tinulak ni Margaux si Allison sa loob ng walk in closet niya.

"Halloween party lang naman e. Tsk. Bampira na ako, bakit kailangan ko pang mag-costume? Pwede namang as is lang. Parang ewan lang naman 'tong halloween party e," nakabusangot na si Allison.

"Wala kang pake, basta magbihis ka!" sigaw ni Margaux.

"Ang kati ng costume 'no! Kinuha pa yata 'yan sa baol," ismid ni Allison. Tinuro niya ang sandamakmak na costume ni Margaux.

"How dare you! Pinaggawa ko 'yan sa designer namin sa Paris 'no! Magbihis ka na, Allison, kung ayaw mong papuntahin ko dito ang unggoy na si Xavier para bihisan ka pa!" sabi ni Margaux.

"Oo na!" Wala nang naggawa si Allison. Sinarado na niya ang walk in closet ni Margaux at nagbihis na.

Halloween party ngayon sa Grayson Academy. Tama nga ang sabi nila na laging may party sa school na ito. Lagi na lang may gathering at events na ginaganap sa school. Sa bagay, hindi na rin nakakagulat 'yun dahil mga elite ang nag-aaral dito.

Sa kabutihang palad, binigyan kaming lahat ni Margaux ng costume. Siya daw mismo ang nag-design at pinaggawa lang niya sa Paris. Hindi ko na inalam kung magkano ang halaga ng costume dahil hindi ko na rin naman mababayaran. Siguradong mas mahal pa 'to sa buong damit na pagmamay-ari ko.

Ngayon, nakasuot ako ng isang victorian-style gown. Isa itong red na gown na maraming lace sa chest part. Hindi ko na alam kung ano pa itong design na ginawa ni Marguax, masyado kasing detalyado. Inayos niya rin ang buhok ko, nakalugay pa rin ito pero may inilagay ding mga lace. Sa kabilang banda, naka-costume na rin ang mga kaibigan ko. Kagaya ko, victorian style din ang mga gown nila, iba-iba nga lang ang disenyo.

 Kagaya ko, victorian style din ang mga gown nila, iba-iba nga lang ang disenyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nang makaayos na kaming lahat, lumabas rin agad kami sa kwarto ni Margaux. Nakabusangot pa rin ang mukha ni Allison - halatang ayaw na ayaw niya sa suot niya.

Pagdating namin sa loob ng gym, kung saan gaganapin ang party, namangha agad ako sa mga dekorasyon. May mga sapot ng gagamba sa dingding kaya nagmukhang luma ang gym. Ginawa ring pumpkin ang mga upuan. Inukit din ang mga pumpkin para magmukhang jack-o lanterns at inilawan sa loob. Ang mga mesa naman ay nilagyan ng punit-punit na itim na tela; sa ibabaw nakapatong ang brass candelabra na mukhang antigo na. Ang tanging ilaw lang din dito sa gym ay ang mga torch na nakakabit sa pader kaya mas naging eeirie ang ambiance ng lugar. Ang mga pagkain namin ay nilagyan ng myst kaya ang simpleng karne ay parang naging putol na kamay ng tao. Ang dugo na para sa aming mga bampira ay parang naging potion na may iba't-ibang shade ng neon. Pinaghandaan nga nila ng maigi ang Halloween. Hindi ito taliwas sa mga magarbong party na dinaraos na dito sa Grayson Academy.

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon