■2■ Princess and Princes

19.3K 726 294
                                    

       Pagkatapos niyang sabihin iyon, nagitla ang lahat. Walang nag-ingay o gumalaw. Lahat ng mata ay nasa akin. Lahat ay naghihintay sa kung anuman ang magiging reaksyon ko. How do I react? What will I do? I have no idea.

      Bumaba si Dark sa entablado. Nagsitabi naman ang mga estudyante para bigyan siya ng daan. Ang tunog ng mga yapak ni Dark ang tanging maririnig na mas lalo pang dumagdag sa kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko mas lalo pang bumigat ang tensyon. Palapit na siya sa kinatatayuan ko at agad rin akong yumuko dahil hindi ko siya pwedeng tingnan. Protocol ito ng mga maid: bawal tingnan ng diretso ang mga master.

      Nakahinga lang ako ng maluwag nang lagpasan niya ako. Nilingon ko siya at tuluyan na  nga siyang nakaalis. Nang makaalis na siya, bumalik sa normal ang lahat. Bumalik ang mga bulong-bulungan at wala na rin sa akin ang atensyon nila. Pero alam ko namang ako pa rin ang paksa ng mga bulong-bulungan.

      Natigil lang ang ingay nang magsalita si Principal Sy sa entablado. Mukhang pati siya ay nabigatan rin sa tensyon kanina pero ngayon ay medyo kumalma na rin siya.

     "So you all heard the prince. Ms. Tatiana Jade Sacrlet is the lucky scholar to attend the Grayson Academy."

      Nagpalakpakan ang lahat . Napangiti na lang  din ako dahil ang swerte ko nga. I am a lucky scholar. To attend that school is an honor; an extraordinary previlage that could change everything.

*******

     "You're gonna be studying there for a year. You are under probation, Ms. Scarlet. In the span of one year, the Grayson Academy administrators are going to observe you. It's like a testing and if they get successful results from you, they will continue the scholarship or even invite other commoners," sabi ni Principal Sy.

      Pinatawag niya ako sa office niya pagkatapos ng anunsyo. Ipinaliwanag niya sa akin ang mga terms and conditons ng pagiging scholar ko sa Grayson Academy.

     "Basically, they want to open doors for the commoners. All you have to do is keep your record clean, do not get into trouble and do well in your classes. And if you succeed and survive a year in Grayson Academy, you will be given a chance to study three more years and maybe, you'll be awarded with a position in the palace."

     "Positon in the palace? Ano pong ibig niyong sabihin?"

     "Ibig sabihin, pwedeng mag-upgrade ang rank mo. You will no longer be a commoner but an elite. As for you position in the palace, that depends on the King's orders so I'm not sure specifically kung anong posisyon ang ibibigay sa'yo."

      Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Pinapahiwatig lamang nito na hindi basta-basta itong ibinigay sa akin. Hindi lang pala pag-aaral ang makukuha ko doon, pati na rin pala pag-akyat sa social ladder, pwede ko ring makuha. All it takes is for me to make it through the challenges that they were to give. A position in the palace would make my life better. Matutulungan ko si Mama, hindi na siya magkakanda-kuba sa pagsisilbi.

      Vampires are born, some are turned but all are categorized according to their ranks.  Kapag ipinanganak kang commoner, ang magiging anak mo, apo at susunod pa sa kanila ay magiging commoner rin. Ang rank ay permanente pero kapag nangyari nga itong sinasabi ni principal, ibig sabihin, hindi na ako magiging commoner at ang mga susunod pa sa akin.

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon