■7■ Dark In Shining Armor

15.8K 699 294
                                    

Sa wakas ay weekend na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa wakas ay weekend na. Mabilis na natapos ang araw at gabi ko dito sa Grayson Academy at isang linggo na rin ang nakalipas. Ibig sabihin, pwede na kaming umuwi. Pagkatapos ng dance class ay bumalik na rin sa dati si Dark - walang pinapansin, tahimik at may sariling mundo. Nakakadismaya lang hindi ko na ulit siyang nakitang ngumiti.

Inayos ko na lang ang bag na dadalhin ko pauwi. Sa wakas, makikita ko na rin si Mama. Nang matapos ako sa pag-iimpake, narinig ko ang katok mula sa labas. Inilapag ko muna ang mga gamit ko at tumungo doon.

Pagbukas ko ng pinto, ang nakangiting si Stephan agad ang bumungad sa akin.

"Tati, sabay ka na sa'kin," sabi niya.

"Huh? Si Steph na ang makakasabay ko e," sagot ko. Napagkasunduan na namin ni Steph na sa kanya ako sasabay, kahapon pa.

"Natalo siya sa bato-bato pik kaya sa akin ka sasabay," parang batang sabi ng prinsipe.

Napailing na lang ako. Ipinaubaya pa pala nila sa bato-bato pik ang lahat.

"Sige. Sandali lang, kukunin ko lang ang gamit ko," dali-dali akong pumasok sa kwarto. Lumabas rin agad ako dala ang lahat ng gamit.

"Tara!" yaya ko. Sa isang linggo ko dito, nasanay na rin ako sa presence ni Stephan.

Hindi siya sumagot at sa halip ay kinuha niya ang bag ko. Nagulat naman ako sa ginawa ni Stephan. May pagka-gentleman din pala siya.

"Ako na ang magbibitbit."

"Ako na. Magaan lang naman 'yan," sinubukan kong kunin ang bag ko sa kanya pero nilayo niya lang ito.

"No. Please let me carry your bag, my lady," nag-bow pa siya.

Napangiti na lang din ako.

"Sige na nga! Kung hindi ka lang cute hindi kita pagbibigyan," natatawang saad ko.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng dorm.

"Hala, hindi ako cute. Gwapo ako," nakasimangot na sabi niya.

"Nasaktan na naman 'yang feelings mo," tukso ko.

"Oo e. Lagi mo na lang akong sinasaktan," hinawakan niya pa ang dibdib niya na animo'y nasasaktan talaga siya.

"Pauso mo Stephan," tawang-tawang sabi ko.

****

Karamihan sa mga estudyante ay pauwi na rin. Hindi ko na nakita ang mga kaibigan namin, siguro nauna na sila o di kaya nahuli. Pumunta kami ni Stephan sa parking lot kung saan nakaparada ang dilaw na camaro. Hindi na rin ako nagulat na ganoon ang kotse niya. Siya ang prinsipe kaya ano pa ba ang aasahan ko?

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Loko-loko si Stephan pero mabait siya at sa pinapakita niya, mas lalo ko pang napatunayan 'yun. Dagdag pa sa mga maganda niyang katangian itong pagiging maginoo niya. Siguro namana niya ang chivalry act niya sa ama niyang hari.

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon