Chapter One - The Scholarship

24.3K 772 279
                                    

(Multimedia: Dark, Liam, Stephan, Stephanie and Tatiana)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Multimedia: Dark, Liam, Stephan, Stephanie and Tatiana)

An: Pwede niyong basahin to kahit hindi niyo pa nababasa ang MTAVP book 1 and 2. Stand-alone novel naman po ito kaya pwede pa rin siyang basahin at hindi pa rin kayo malilito.


"Bilisan mo, Tati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bilisan mo, Tati. Darating na maya-maya ang mga royals," rinig kong wika ni Mama. Halos hindi na siya magkanda-ugaga sa pag-aayos sa mesa. Napakalaking bagay rin naman kasi ng family dinner ng mga Grayson kaya busy kaming lahat sa pag-aayos.

"Opo, Ma. Sandali na lang 'to." Inayos ko ang pagkakatupi ng table napkins. Sinigurado ko ring nasa ayos na ang mga mamahaling kubyertos na gagamitin.

"Naririnig ko na ang mga kamahalan. Magsipwesto na kayo," utos ni Mama. Siya rin kasi ang mayordoma ng palasyo - ang pinuno at tagapangasiwa ng mga katulong.

Maya-maya pa'y nagsidatingan na rin ang pamilya Grayson. Nagsitabihan na kaming mga tagasilbi. Tumayo kami sa gilid kung saan kami laging nakapwesto para kung may kailanganin ang mga kamahalan, nandoon lang kami para tumugon.


Nakaangkla ang reyna sa braso ng hari; mukha pa rin silang bagong kasal kahit dalawampung taon na ang nakalipas mula nang ikasal sila. Nakangiti sila sa isa't-isa na animo'y may sariling mundo. Sunod na dumating ang mga anak nila. Nakangisi si Stephan nang dumating. Napailing na lang ako. Tiyak na may naggawa na naman siyang kalokohan. Sa sampung taon ko dito, nasaksihan ko na ang lahat ng kalokohan ni Stephan mula pa noong mga bata kami. Tulad na lang nang ginawa niya sa Duke ng Pransya noong bumisita dito. Nilagyan niya lang naman ng daan-daang palaka ang kwarto ng Duke kaya napauwi agad ito sa France. Kaya nga si Stephan ang tinaguriang 'mischievous prince' dahil sa mga pranks at kalokohan niya. Ang kakambal ni Stephan na si Stephanie naman ay pumasok na rin. Di gaya ng kambal niya, si Stephanie ay mahinhin at mahiyain. Tuwing may social gatherings sa palasyo, halos hindi siya nakikihalubilo. That's why the society calls her the 'wallflower princess'. She'd rather blend with the crowd than stand-out. Kasunod ni Stephanie ang kuya niya na si Liam. Sa lahat yata ng magkakapatid, si Liam ang pinakamabait. Siya rin ang tanging nakakausap ko sa kanila pero dahil doon, nagkaroon naman ako ng lintek na crush sa kanya. Nakakainis lang dahil alam kong hanggang tingin lang ako kay Liam. Bakit magpapantasya pa ako? Katulong lang naman ako. Ang trabaho ko ay pagsilbihan ang mga kauri niya at hindi pwedeng lumampas pa doon.

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon