■8■ Dorm Wars

15.9K 661 541
                                    

"Tatiana!" patakbong lumapit sa akin si Thalia. Nakasunod na rin sa kanila ang mga kaibigan namin.

Ibinaba naman ako ni Dark. Nandito na kami sa bahay ni Empress. Pinasan ako ni Dark pabalik dito.

"Ate, saan ka ba nanggaling? Alalang-alala ako sa'yo," mangiyak-ngiyak na sabi ng kapatid ko.

"Naglibot lang ako tapos naabutan ako ng ulan kaya sumilong muna ako," sagot ko. Hindi ko na sinabi ang ginawa ni Georgina.

Nakalapit na rin sa amin sina Liam, Stephan, Stephanie, Allison, Margaux, Empress, Xavier, Warren, Rafael, Dylan at Zayden. Nakabihis na silang lahat. Kinamusta naman nila ako.

"Tati, magbihis ka na," bumaling naman ako kay Liam. Seryoso siyang nakatitig sa t-shirt na suot ko. Kay Dark nga pala itong suot ko.

"Sige," sabi ko. Bumaling naman ako kay Dark na katabi ko lang, "salamat ulit."

****

Lumabas na rin ako pagkatapos kong magbihis. Saka ko na lang siguro isasauli 'yung t-shirt ni Dark, inilagay ko na lang muna iyon sa bag ko. Nandoon pa rin silang lahat sa sala. Sabi kasi nila, aalis na rin daw kami kasi may klase pa bukas.

"Thank you, tita," paalam ni Allison kay Princess Carmela, siya ang nanay ni Empress. Napansin kong malaki na rin ang tiyan niya - halatang-halata na ang baby bump. Malapit ng lumabas ang kapatid ni Empress.

"Sige, mag-ingat kayo pauwi," sabi ni Princess Carmela.

Kanya-kanya na rin kaming labas. Dumiretso kami ni Stephanie at Thalia sa kotse ni Liam at umalis na rin agad kami pabalik ng palasyo. Ang iba pa naming kaibigan ay may mayroong mga kotse at umuwi na rin sila.

****

"Anak, mauna ka na daw pumasok sabi ng prinsesa. May aasikasuhin pa daw siya," bilin ni Mama.

Tumango lang ako at kinuha na ang bag ko. Umalis na rin si Thalia kanina lang, bumalik na siya sa aganecy para sa training niya.

Lunes na naman. Balik Grayson Academy na naman ako. Mukhang maglalakad rin ako ngayon dahil wala si Stephanie. Di bale na nga. Nagpaaalam muna ako kay Mama bago umalis. Nagsimula na akong maglakad patungong eskwelahan. Mabuti na lang at napagdesisyunan kong maagang umalis kaya hindi ako nalate.

Dumiretso muna ako ng dorm ko at iniwan ang mga gamit ko doon. Nakapagtataka lang at walang masyadong estudyanteng umaaligid. Pagkatapos nun ay pumunta na ako ng Arch para sa unang klase ko na Foreign Language. Pagbukas ko ng pinto sa classroom, wala rin akong ni isang kaklase dito. Ang aga ko naman yata?

Nang makapasok ako, may naramdaman akong humihigit sa buhok ko. Sobrang lakas ng pagkakasabunot niya kaya bahagya akong napaaray.

Hinarap ko 'yung nangsabunot sa akin at si Mildred Camry iyon, isa sa mga kaklase ko at kaibigan ni Georgina.

Lumabas na rin si Georgina. Hindi pa rin nagbabago ang ngiti niya sa akin - mala-demonyo pa rin. May kasama rin siyang isa pang babae, si Heidee Tremayne. Nakasarado na ang pinto at kaming apat na lang dito.

"Hello, b*tch," bati ni Georgina.

"A--anong---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinampal ako ni Heidee. Sobrang sakit n'un at kahit hindi ko tingnan, alam kong pulang-pula na ang pisngi ko.

"Nalaman lang naman namin na isa kang low-life. Scholar ng GA na pinulot lang sa basurahan," bakas ang pandidiri sa mukha ni Mildred.

"Commoners like you don't belong here, you belong in the dumps," wika ni Heidee.

"At nilalandi mo rin ang mga prinsipe. Wow just wow. You truly are a bitch," tinulak ako ni Georgina, "do it, Mildred."

Ngumiti ng nakakakilabot si Mildred. Naging pula ang mga mata niya - senyales na ginagamit niya ang special ability niya. Bawal gumamit ng special ability, anong ginagawa niya?

MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon