An: At dahil birthday ni Sehun, nag-update ako ngayon ;)
Napatingin ako sa unipormeng nakalatag sa kama ko - isang itim na coat na may pulang lining sa kwelyo, botton-up long sleeves, pulang checkered skirt at necktie. Mukhang mamahalin rin ang telang ginamit dito. Tama nga siguro ang sinabi nila na katumbas na ng isang buwang pagkain ng isang pamilya ang halaga ng uniporme sa Grayson Academy.
Pagkatapos akong ihatid ni Liam, nadatnan ko ang box na naglalaman ng uniporme ko sa Grayson Academy. Mamaya na nga pala ako papasok. Di gaya sa Common Vampire School, huli ang opening classes ng Grayson Academy kaya mas nauna ang pasok naming mga commoners. Aaminin kong kinakabahan ako. Kakayanin ko ba talagang tumagal ng isang taon sa eskwelahang hindi naman dapat sa isang kagaya ko?
"Sigurado ka ba dito, Tati?"
Napaangat ang tingin ko kay Mama. Binabasa niya ang admission letter na ipinagkaloob sa akin - maski siya ay hindi rin makapaniwala. Nagulat pa siya kanina nang ihatid ako ni Liam sa maids' chamber - ito ang kwarto na ibinagay para sa aming mga katulong. Sa chamber na ito, kami lang dalawa ni Mama, ang ibang katulong ay sa kabilang kwarto natalaga. Kada chamber ay naglalaman ng dalawa hanggang limang katulong o tagasilbi. Nataranta si Mama nang makita ang prinsipe pero nginitian lamang siya ni Liam at magalang na nagpaalam.
BINABASA MO ANG
MTAVP III: Prince Of Blood (#Wattys2016)
VampireShe is your average vampire: no fancy family, no extravagant house and no significance to the vampire society. She is at the bottom of the social chain, a commoner to be exact. She is Tatiana Jade Scarlet, the palace maid. He is your royal vampire:...