May program ngayon sa school. Debate ng SSG Candidates. Nilapitan ko sya at tinanong kung hindi na sya galit sakin. Tumango na lang sya bilang sagot. Kinulit ko sya ng kinulit... pinipilit ko syang kausapin. Hindi nya pa rin ako kinakausap kaya kinalabit ko sya ng kinalabit. Hanggang sa nainis ata sya at umalis sa tabi ko. Ang sakit T_T
Since wala na rin naman sya... umalis na lang ako at bumalik kina Cathy. Pagkatapos ng Debate ay kailangan na naming pumunta ng new. May dala akong 5 boxes ng ensaymada... mabigat! Tinulungan ako ni Jayson. Nagpalit kami ng dala... ako ang nagdala ng sapatos nya at sya naman ang nagdala ng ensaymada kaya hindi kami naglalayo. Lagi kaming magkasama. Pagpunta namin sa new ay nakita ko sya.
Hindi agad kami nakaayat sa room namin para sa party. Tatlo tatlo lang kami umaakyat. Medyo huli na rin akong nakaakyat. Pagpasok ko ay agad ko syang nakitang nakaupo. Nagkatinginan kami!! shemay! Pumili na ko ng upuan at umupo.
Habang nakaupo lang ako ay nagyaya na si Lalaine magpalit ng damit para sa party. Pumunta na kami ng CR para magbihis. I am wearing a white shirt, blue pants and a blue&white pair of dollshoes.
So lumabas na kami ng CR at pumunta na ulit sa room.
Nakita ko agad sya.... i mean hindi ko naman talaga sya nakita as in bumubungad sakin.... hinahanap ko talaga sya. Pagtingin ko sa kanya ay nakabihis na din sya. He is wearing a Blue shirt, black pants and black shoes.
We both love Blue (charot!)
Hanggang sa nagsimula na ang party namin at kumain na din kami.
Pagkatapos namin kunmain ay umupo na lang muna ako o kaya nakikihati sa mga kaklase ko xD.
Hanggang sa pumunta ako sa adviser ko para ibigay yung pagkain. Pagbalik ko ay umupo na ako sa upuan ko. Habang nakaupo ako ay nakita at narinig ko sina Raci at Jang na nanghihingi ng pansit sa kanya kaya nakigaya ako. Lumapit ako at humingi din.
"Penge!" nakangiti kong sabi
"Sa inyo na nga lang yan!" sagot nya
"Hindi! konti lang naman eh!" sabi ko sa kanya habang nakahawak sa braso nya.
Umalis lang sya at lumabas kaya hindi na ko kumuha at umupo na lang ulit.
Habang nakaupo ako ay nag iikot sya habang may hawak na stick-o (favorite ko), pinapamigay nya. Nagulat ako nang bigla syang tumigil sakin at tinapat sakin yung Stick-o. Tumingala ako para tignan sya. Nakatingin lang sya sakin at seryoso ang mukha.
Nakangiti akong kumuha ng Stick-o. Kinikilig ako actually.
Nakita pala yun ni Shai! at dahil kaibigan ko sya.....
"Yiiiieeee nakita ko yun!" panunukso nya sakin
"Enebe!" sagot ko habang kinikilig.
Shemay! emeged!aym so kinikilig!
Hanggang sa matapos na ang party. Nagpicture-taking pa kami. Nagkayayaan kami sa SM kaya naman tinanong ko si Laine kung sasama si asdfg.
Lumapit si Laine sa kanya.
Mamaya nung lumapit ulit sakin si Laine tinanong ko kung anong sagot ni asdfg.
"oo daw!" sabi ni Laine
Napangiti ako.
Paalis na sana kami kaso bigla akong pinatawag ng adviser ko! hayst wrong timing! may inuutos sakin. Pumunta ako sa Faculty room at dali daling bumalik sa room para sabihin na hintayin nila ako.
Tinulungan na ko ni Gelio para matapos agad. Isa isa nang nag aalisan ang mga kaklase ko. Hindi pa sya lumalabas..... bakit kaya?
Nagmamadali na kami ni Gelio nang bigla akong mapatingin sa kanya.... nagkatinginan kami! shet! Why is that!? Parang gusto kong maiyak..... gusto kong doon na lang kami. Hanggang sa lumabas na din sya.
Naiwan kami ni Gelio. Nagmamadali na kami.
Pagkatapos namin ay agad kaming lumabas at hinanap sila pero di namin sila makita. Kaya dumiretso na lang kami ng SM. Pagkapasok namin sa SM, nakita namin agad sila at syempre SYA.
Umakyat na kami sa Quantum. Syempre diretso agad sya sa Basketball Area. Ako naman ay bumili na ng token kasi gusto ko din magbasketball. Habang bumibili ako ng token ay nakangiti ako. Napatingin ako sa kanya at nakatingin din sya sakin hanggang sa umiwas na ako ng tingin kasi nagsalita na yung cashier.
Naglaro lang ako ng Basketball kahit masakit na ang katawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/66320025-288-k797203.jpg)
BINABASA MO ANG
Besprend
NonfiksiNaging parte na sya ng buhay mo. Lahat ng bagay halos connected sa kanya. Mahalaga sya sayo. Masaya kayo, madalas kayong magkasama at laging magkausap kaso isang araw bigla na lang nagbago lahat..... iniwasan ka na lang nya bigla, hindi kinausap!? P...