Chapter 14: Sorry

39 4 0
                                    

Iniwasan na naman nya ako. Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan at hindi nya pa ko kinakausap. Nandito kami ngayon sa classroom... naglalaro sya ng phone nya. At ako? Eto nag iisip kung kakausapin ko ba sya. Oo gusto ko syang kausapin ang tanong eh.... kung kakausapin nya ba ko? So hindi ako makahanap ng tyempo kasi madami syang katabi. Pagkakita ko na may bakanteng upuan sa tabi nya at wala syang kausap. Dali dali agad akong tumabi dun. Hindi agad ako nagsalita. Pinakalma ko muna ang sarili ko. At then kakausapin ko na sya.... its now or never!? So good luck na lang sakin. Bahala na kung anong mangyari....

"Galit ka ba!?" panimula ko. Ang aking famous line.

Umiling lang sya bilang sagot.

"Hindi talaga? Bakit hindi mo ko kinakausap?" Tanong ko.

"Oh? kinakausap kaya kita!?" Sagot nya.

"Baka naman!?" Medyo sarcastic kong sabi.

So bati na ulit kami. Hinawakan nya ang kamay ko. Napangiti lang ako. Mamaya eh nakahilig na sya sa balikat ko. happiness! Di na ko magtataka kung naririnig na nya ang tibok ng puso ko shemay nakakakilig. At sumubsob sya sa upuan habang hawak parin ang kamay ko... inaantok ata. So tinap ko na lang sya at dahil mababait ang mga kaklase namin. Nag ingay so ako tong si ateng... sinaway sila isa isa. syempre natutulog si bebeloves este besprend. And take note: magkawak parehas ng kamay namin as in dalawa! mga 3 hours din kaming ganun. Nagbell na :-(

"Home economics nyo na" sabi nya sakin.

Wahhhhh ayoko ko nang umalis. Pwede ba ibalik aag oras at dun na lang wahhh T_T tumayo na ko para kunin ang bag ko habang sya ang nasa likod ko nakahawak sa balikat ko.

Ayymmm ssoooo hhhaappppyyy at kinikilig at the same time. Shemay ang puso ko.

Fastforward

Science time na last subject. lumapit ako sa upuan nya. Magkahawak ang kamay namin habang nagsusulat. Sweet namin noh? Hahaaha ang landi ko sa kanya. Nauna syang lumabas kasi group 2 sya. Pinakahuli ako lumabas kasi group 5 ako. Pababa na ko ng building. Practical test ko ngayon sa Rondalla. Nagpaalam na ko sa kanya. May hinihintay pa ata sya.

Kasama ko ang mga co-rondalla players ko paakyat ng old building. Pagdating namin sa 4th floor eh sarado ang rondalla room. Wala pala kaming practice. Hayst. Nagmamadali akong bumaba para habulin si besprend. Gusto ko sya makasabay. Nakita ko sina Kuya Bry sa old building kaya tinanong ko agad sya.

"Nakauwi na ba si Asdfg?" Tanong ko kay Kuya Bry.

"Oo ata!" Sagot nya.

Nagmamadali pa rin akong bumaba ng hagdan. Nung malapit na ko sa gate eh nakita ko sya at si Marlo. Wooohhh buti na lang! Napagod ako dun ah.

"Wala akong practice!" Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Manonood kayo ng sayaw ni Daniel?" Natatawa kong tanong.

Sabay kaming naglakad papasok ulit ng building.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong ko sa kanya. Kasi baka malate sya ng uwi eh. Mahaba pa kasi ang byahe nya around 2-3 hours.

"Ewan" sagot nya.

Umakyat na kami ng hagdan. Nagulat ako ng bigla nya kaming inakbayan ni Marlo. Shemay ang kilig cells ko. Isang dakilang hokage talaga to xD pero gusto ko din naman.

Besprend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon