Chapter 15.2

35 2 3
                                    

"oo!" galit na sagot nya.

"sorry na please..." paulit ulit kong sabi sa kanya habang bumibili sya.

"tara na nga! dun na lang tayo sa canteen. kasi naman eh!" inis nyang sabi sa kasama nya.

Sinundan ko sya. paulit ulit lang akong nagsosorry sa kanya. Kahit pinagtitnginan na kami ng iba.... okay lang. binibilisan nya nag paglalakad papuntang canteen. Nung malapit na kami sa may pintuan na canteen, hindi ko na sya sinundan. Binitawan ko na sya at bumalik na lang sa classroom namin. Nagpahinga muna ako sa pinakalikod hanggang sa nakatulog na ko. Pagkagising ko ay nasa loob na sya ng classroom. Kasama at kausap nya pa ang mga kaibigan nya kaya hinayaan ko muna sya.

Nung makita ko syang nakaupo sa upuan nya at nagsusulat, lumapit ako sa kanya kaso hindi pa ko nagsasalita.... umalis na agad sya at lumayo sakin.

Mayamaya pumasok ang teacher namin sa classroom at hinanap ako.... may papagawa na naman to for sure. So lumapit ako sa teacher ko which is malapit sa nilipatan nyang upuan. paglapit ko ay agad akong binigyan ng instructions ng teacher ko. Habang binibigay sakin ng teacher ko ang instructions ay agad din syang lumayo. Hanggang sa nagbell na.... vacant na.

Buong vacant ko syang hindi nakikita at nakakausap T_T Nung MAPEH class na nila ay hinihintay ko syang dumating para magsorry sana ulit kaso halos nakaakyat na ata lahat eh hindi ko parin sya nakikita so tinanong ko ang mga kaklase namin.

"Nasaan si asdfg?" tanong ko sa bawat kaklase kong makikita ko.

Karamihan ay ewan ang sagot sakin. Halos matanong ko na lahat nang nakita ko ang kaibigan nya so dali dali akong pumunta sa kanya para magtanong.

"Nasaan si asdfg?" tanong ko sa kaibigan nya.

"Nasa old nagbabasketball" sagot nya.

"Basketball?" nagtataka kong sagot

"oo" sagot nya.

"Ayy oo nga pala... Try ou ng Varsity" sagot ko nang maalala kong nakapasok nga pala sya dun. Galing nya noh!

Hinintay ko parin sya kaso matatapos na ang MAPEH class di pa din sya dumadating kaya pumunta na lang ako sa next class namin, SCIENCE.

Ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin sya kaya ginawa ko muna ang Manual ko para matapos ko na at maipasa. Hindi ko namalayan ang pagdating nya basta nakita ko na lang sya na nasa loob na ng classroom. Tinapos ko muna ang pagsagot sa Manual. Nagbell na so kailangan na namin lumabas pero nagpaiwan ako para sana kausapin sya. Lumabas na halos lahat ng mga kaklase namin. Ang natira na lang ay mga cleaners which is kasali sya at yung science teacher namin. Nagpaiwan ako at lumapit sa kanya.

"Sorry na uy! pls! sorry na!" paulit ulit kong suyo sa kanya habang nagsusulat sya.

Hindi nya ako sinasagot o kinakausap o tinitignan man lang. Ang sakit T_T pero patuloy parin akong nagsosorry sa kanya.

"Ako na magtatapos nyan, maglinis ka na lang!" volunteer ko sa kanya pero hindi nya pa din ako pinansin.

Hanggang sa pinalabas na kaming lahat ng room. Inutusan sya ng teacher na dalhin yung gamit sa faculty room kaya hinintay ko na lang sya sa may hagdanan.

Pagkalabas nya ng faculty room ay agad akong lumapit sa kanya at nagsorry ulit ng nagsorry ng paulit ulit. binilisan nya ang pagbaba nya ng hagdan pero hinabol ko pa din sya. Nahawakan ko ang braso nya pero pumiglas sya dito. Mula 5th floor hanggang 2nd floor ko syang sinusundan, hinahabol at paulit ulit din akong nagsosorry. Bigla syang lumiko sa 2nd floor, hindi ko na sya sinundan. Dumiretso na lang ako ng 1st floor. medyo binagalan ko ang lakad ko. Tinatantsa ko kung nasaan na sila para magkasabay kami sa may babaan. Nakita ko ang mga classmate ko kaya nakisabay na lang ako kunwari sa kanila para di halata. Habang nakikisabay ako sa mga classmate ko ay alam ko nasa likod na sila. Pagkalabas ko ng gate, hinintay ko pa rin sya lumabas pero lumapit ako sa mga kaibigan nya at nakipag usap para di halata. pagtingin ko sa may gate ay dire diretso lang sya. Humanap ako ng tao na pwede ko puntahan para makalapit sa kanya at nakita ko sina Cathy.

"Cathyyyyy! Pauwi na kayo? sabay tayo?" pagpapalusot ko. medyo malapit na ko kay asdfg.

Hindi pa nakakasagot sina Cathy nang makitang bumalik si asdfg sa may gate.

"Ay wait lang ah. Kailangan ko pang magsorry kay asdfg eh!" paliwanag ko kina Cathy.

Agad ako tumakbo palapit kay asdfg.

"Good luck. Kaya mo yan!" cheer sakin nina Cathy.

Nung malapit na ko sa kanya eh agad akong nagsorry ng paulit ulit. Nakipagpatintero pa sya sakin. Binilisan nya rin ang lakad nya... actually ewan ko nga kung lakad pa yun. Langya ang bilis. Medyo nagkakakalayo ang agwat namin kaya tumakbo ako para mapantayan sya.

"Uy sorry na kasi! sorry na!" paulit ulit kong sabi sa kanya kahit pagod na ko.

Hindi parin sya sumasagot at mabilis parin ang lakad nya.

"Uy sorry na kasi!" ulit kong pakiusap.

"Ano ba!? mapapagod ka lang!" seryoso nyang sagot.

"Okay lang!Sorry na kasi!" sagot ko na medyo hinihingal.

"Diba napatawad na nga kita kanina!" sagot nya ulit.

"Napatawad? pero hindi mo ko pinapansin at hindi mo rin akong kinakausap? edi parang wala lang din. Sorry na kasi!" sabi ko ulit sa kanya.

Hindi na sya sumagot kaya nagsorry na ulit ako nagsorry.

"Umuwi ka na!" seyoso nyang sabi sakin.

"Wait. sorry na kasi!" pangugulit ko parin sa kanya.

"Sumakay ka na!" pagtataboy nya sakin.

"Bye. sorry na ah" pahabol ko sa kanya.

Naglakad na ko kasabay ang mga kaibigan nya.

Kung ano anong tinatanong at sinasabi nila sakin.

"Wait. pahingahin nyo muna ako" hinihingal kong sabi sa kanila sabay inom ng tubig.

"Wala eh! Ayaw pa rin!" paliwanag ko sa kanila nang biglang may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako----- oo nga pala sina Cathy.

"Anong nangyare? Okay na kayo?" bungad na tanong nila.

"Wala eh! Hindi pa!" sagot ko sa kanila ng hinihingal.

"Hayy! Arte! pa choosy pa!" sabi ni Anel

ngumiti na lang ako at umuwi na kami.

Pagdating ko sa bahay ay pagod na pagod ako..... masakit ang ulo ko, katawan ko at hinihingal ako. Mayamaya bigla na lang ako nahirapan huminga. Shemay wrong timing.

Besprend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon