Chapter 8: Foundation Day

42 4 0
                                    

Hindi ko inagahan ang pagpasok kasi hindi naman sya aattend ngayong umaga ng program sa vellayo hall, maglalaro lang sila nina kuya bryan. Hindi pa din ako nakakatanggap ng kahit anong text sa kanya simula pagkagising ko. Palagi ko chinecheck ang phone ko kung nagreply na ba sya hanggang sa nagsimula na ang program wala pa ding syang reply or text. Hayst ang boring naman dito kaya tinawagan ko na lang sya. ang gulo di ko masyado maintindihan kasi naman ang dami nyang kausap hanggang sa binaba na nya at iend ang call. Hanggang matapos ang program wala pa din syang text so nagtext ulit ako sa kanya.

to: asdfg
Nasaan na kayo? malapit na tong matapos. Bumalik na kayo dito para manood ng musical play

Pero wala pa din syang reply kaya bumaba na ko at nakita ko sya. Medyo akward nga lang kasi nakacivillian ako. Hindi nya pa ko kinakausap T_T kaya ako na lang ang unang lumapit sa kanya para kausapin sya.

"Galit ka?" Tanong ko habnag nakatingin sa kanya.

Umiling sya bilang sagot. Ngumiti na lang ako sa kanya. Ewan ko pero parang kakaiba ngayon... parang may mali..... basta hindi maganda ang pakiramdam ko. Sumandal na lang ako sa balikat nya.

"Bakit?" nagtataka nyang tanong.

"Wala. Inaantok lang ako" nakangiti kong sagot.

Nagtinginan lang kami habang magkahawak ang mga kamay. Pumunta sya kina sky. Nagbabalance lang ako sa pag upo at dahil malakas ang trip nya.... tinulak nya ko dahilan para maout of balance ako. Langya di na naawa sa tingting. Pagtapos eh nagkayayaan silang mga boys kumain. Hindi ko na sya sinundan. Nakaupo lang ako dito malapit kina sky at tinanry matulog. Habang nakasubsob ang mukha ko sa binti ko, may naramdaman akong tumabi sakin....... si Jayson lang pala. magkatabi kami ngayon habang sya ay may kung anong ginagawa sa phone nya. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at sumubsob na ulit sa mga binti ko kaai inaantok talaga ako. Nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita dahilan para mapatunghay ako.

"Jayson. Mapapatay ka ni asdfg!" Seryosong sabi ni Andrew.

"Huh!? Bakit?" Nagtataka kong tanong pero sa halip na sagutin nya eh naglakad lang sya palayo.

Pagtingin ko sa besprend ko eh masama ang tingin nya sa direksyon namin at parang may sinasabi pero di ko maintindihan. simula nun ay naging masungit sya sakin.

"Uy galit ka ba?" Tanong ko sa kanya habnag palabas kami ng building.

"Hindi naman kasi ganun yun. Sya ang unang lumapit sakin tsaka tumabi lang namqn sya sakin! Uy galit ka? Sorry na!" paliwanag ko sa kanya.

"Ano ba yung sinasabi mo kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Wala!" Seryoso nyang sagot.

Kinulit ko parin sya pero di talaga nya sinabi. At napansin ko na iniiwasan nya ko. Hinayaan ko na lang muna sya. hanggang sa matapos na ang musical play eh hindi nya pa rin ako kinakausap at iniiwasan pa rin ako. Hinanap ko sya pagkalabas ko ng building pero di ko sya nakita kaya sumama na lang ako kay Sky at Marlo kumain sa McDo.

"Ano bang problema nya? Bakit nya ko iniiwasan?" Seryoso kong tanong kay Marlo, kaibigan nya.

"Ewan ko dun" sagot nya.

pagkatapos nqming umorder ay kumain na kami. Pang apatan ang upuan namin. Magkatapat sila. Kainggit T_T

"May kulang!" Out of nowhere na sabi ni Sky

"ano?" Tanong ko. Kahit may idea ako na tinutukoy nila ang besprend ko. Ang sakit T_T kainggit T_T

"Nasaan na sya?" Tanong ni Sky.

"Ewan. iniiwasan nya nga ako eh. Di ko alam kung bakit!?" malungkot kong sagot.

at kumain na kami. Pagkatapos eh sumakay na kqmi ng jeep pauwi. Pagkababa namin. Hinatid ni Marlo si Sky. Naaalala ko dati..... palagi nya ko hinahatid. Ngayon? Mag isa akong uuwi T_T sumakay ulit ako papunta ng bahay namin tapos syempre bumaba na ko sa babaan. Habang naglalakad papunta sa building namin eh nag emo muna ako. Naiiyak ako. Kasi naaalala ko dati mung kasabay ko sya umuuwi, nung hinahatid nya pa ko.... yung papalapitin nya ko sa may bird cage which is ayoko kasi takot ako sa feathers. So pagdating ko tinext ko agad sya ng napakahaba at marami.

Besprend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon