Chapter 23: Who is he?

51 1 3
                                    

He was my classmate. Masaya sya kasama kasi palabiro sya, makulit. Hindi sya kasing gwapo ni James Reid, Daniel Padilla pero nakapabait nya. Pinaramdam nya sakin na mahal nya ako, na mahalaga ako sa kanya, na special ako. Iginagalang nya ako. Lagi nyang pinapaalala na mag ingat ako. Lagi nyang pinapaalala sakin na alagaan ko ang sarili ko, kumain sa tamang oras. Pagmay sakit ako, alalang alala sya at pipilitin ako uminom ng gamot. Napakagentlenan nya kaya hindi na ko nagtataka kung bakit nahulog ako sa kanya, sya ang unang lalaki na minahal ko ng seryoso. Sya ang unang lalake na iniyakan ko ng ilang beses at sobra sobra kahit hindi naman kami. Sya rin ang unang lalakeng naghatid sakin ng ilang beses sa bahay. Sya rin ang unang lalake na pinagpupuyatan ko. Sya ang lalakeng hindi ako nagsasawa kausap. Sa kanya lang ako nagbababa ng pride ko. Ayaw kong magkaaway kami. Masaya ako kasi nakilala ko sya..... masaya ako kasi naging parte ako ng buhay nya at sana lagi aoong maging parte nun. Masaya ako kasi kahit sa maikling oras, pinaramdam nya sakin na mahalaga ako sa kanya, na mahal nya ko. Masaya ako nung mga panahong lagi syang nandyan para sakin. Naging malaking parte na sya ng buhay ko.... halos lahat na ng bagay na makikita ko connected sa kanya. Kahit iniiwasan nya ako, hindi ako kausapin at hindi kami magkita.... mahal ko pa rin sya SOBRA. Sana hindi nya ko makalimutan. Sana pagnagkita kami... kilala pa nya ako at nasa kanya parin yung singsing at picture. Sana pagnagkita kami.... ako pa rin ang MAHAL nya. Maghihintay lang ako sa kanya.... aasa na matutuloy din ang kwento namin. Ayaw kong isipin na dito lang kami magtatapos.

Ang besprend na pinakamamahal ko ay si Ralph Russel Catama.

-------------------------------

Guysss ewan ko kung eto na ang last chapter basta update na lang ako pagnatuloy ang kwento namin. Thanks sa nag nagbabasa nito. God bless.

Besprend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon