Patuloy pa rin ang pagmemesasage ko sa kanya kahit lagi nya akong sineen. Siguro iniisip nyo ang tanga ko? hhahah okay lang. Ganun naman talaga pagnagmamahal diba!?
Nagplano ang mga kaklase namin na magswimming. Di pa ko sure kasi nga strict ang parents ko char xD!Kasama pala sya pero di ko talaga sure kung makakasama ako eh. Syempre gusto ko talaga sumama kasi gusto ko sana sya makausap at makita.
SWIMMING....Sumunod lang kami ni Lanilyn sa Rainforest kasi may reading camp pa kami. Pagdating namin dun sinundo kami nina Jai, Shai, Te Tanya at Vee. So nagpalit na kami ni Lani ng damit. I was wearing a white sando and a short. Sinundan namin si Shai papunta sa cottage. Pagdating namin sa cottage. What the-- sya pala yung nakaupo na nakatalikod. Hayst nakakahiya!
So nag aya na sila sa pool. Dun lang muna ako sa hagdan kasi baka malalim at dahil mahal ako ni Shai.... tinulak nya ko. Ang bait diba!?
Hindi pa rin pumunta sa pool si Ralph kaya nakiusap na lang ako kay Shai at Rhenel na papuntahin sya.
So ayun na nga.... pumunta na sya sa pool. okay -_- edi sya na magaling lumangoy xD bitter si ako!
Hmm tinatry ko lumapit sa kanya kaso lumalayo. Hayst. Arte pa xD djklg. So ayun nga... ilang minutes na lang hindi ko pa rin sya nakakausap o nalalapitan man lang.
Nagsuswimming lang sya. Lumapit ako kina te Tanya at bf nyang si Vee.
"Hayst di ko man lang sya nakausap!" sabi ko habang nakatingin kay Ralph.
"Sino ba kasi?" tanong ni Vee.
"Yun po. si Ralph" sabay turo ko kay Ralph pero syempre di nya kita.
"Lapitan mo" sabi ni Vee.
"Iniiwasan nga po ako!?" sagot ko.
"Mahal ka nun!?" nakangiting sabi ni Vee.
"Paano nyo naman po nasabi?" nagtataka kong tanong.
"Iiwasan ka ba nyan kung di ka nya mahal?" seryosong sagot ni Vee.
Napaisip naman ako dun.
"Lapitan mo na! Kausapin mo!" sabi ni Vee
Unti unti akong lumapit sa kanya kasi nakaupo na din sya sa hagdan... malayo nga lang. Kaso bigla syang tumingin sa direction ko kaya nataranta ako..... nilublob ko na lang yung mukha ko sa pool. Hayst tanga ko. Nakakahiya yun!
Hanggang sa paalis na kami ng resort... wala pa din... di ko pa rin sya nakakausap.
Sumakay kami ng tricycle... magkatapat kami..nasa loob kami ni Lani at sila sa labas ni Jai.
Pagkababa namin ng tricycle e sumakay naman kami ng jeep. Nagleave ng space si Te tanya sa pagitan naming dalawa. Si Ralph na pala ang uupo. Dun sya pinapaupo ni Vee kaso hindi nya ito pinansin kaya ako na lang nag adjust tapos nag adjust din si Jai. So bale Ako-Jai-Ralph.
Mukhang pagod na pagod sya at inaantok. Habang natutulog sya... gumagalaw yung ulo nya at nagsislide sa kamay nya kaya inalalayan ko yung ulo nya.
Nang malapit na sya magising... tinanggal ko agad yung kamay ko para di nya makita.
Hanggang sa bumaba na kami ni Lani ng jeep at naiwan sila dun
BINABASA MO ANG
Besprend
Non-FictionNaging parte na sya ng buhay mo. Lahat ng bagay halos connected sa kanya. Mahalaga sya sayo. Masaya kayo, madalas kayong magkasama at laging magkausap kaso isang araw bigla na lang nagbago lahat..... iniwasan ka na lang nya bigla, hindi kinausap!? P...