Chapter 16: Iwas

27 2 0
                                        

Hayst late na ko nakapasok kasi inatake na naman ako. Pagdating ko ay wala pa sya. Hayyy makapagpahinga nga muna, wala naman kaming klase.

Maya maya ay dumating na sya. Hindi ko muna sya kinulit. Hindi ko muna sya kinausap. Kailangan ko munang magpahinga. Hahayaan ko muna sya. Nung malapit na kami lumabas ng room eh napagdesisyonan kong lapitan sya at kausapin.

"Galit ka pa sakin? Kailangan ko pa bang ulitin lahat ng ginawa ko kahapon?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. okay na" sabi nya sakin.

Agad akong napangiti sa sinabi nya at lumabas na kami ng room.

Hindi kami nagkita ng vacant namin. Hindi pa napipirmahan ang clearance nya sa science kaya nagpasama ako kay Geca para itanong kung ano ang kulang nya.

Habang papunta na kami sa faculty room ay nakita ko sya.

"Pst ano bang kulang mo? hindi pa napipirmahan ang clearance mo!" nag aalala kong tanong sa kanya.

"Ewan ko!" seryoso nyang sagot.

Bakit ganun? ang suplado nya? langya. Pawis na pawis sya. Saang lupalop ba ng mundo galing to?

"Uso magpunas ng pawis!" sabi ko sa kanya.

Tinignan nya lang ako. Umakyat na ulit kami sa Vellayo hall.

Bakit paramg may mali? sabi nya okay na kami? pero bakit parang hindi nya ko kinakausap? Ano ba talaga? T_T

Paulit ulit ko syang pinipilit kausapin pero poker face lang sya. Hanngang sa nag uwian na kami. Nauna silang bumaba kasama ang mga kaibigan nya.

Dali dali akong bumaba din at lumabas ng gate kaso wala na sya :-( Tinanong ko sya kina Felix. Tinuro nya lang dun sa may Old. Kaya dun ako dumaan kaso wala.... hindi ko sya nakita. umuwi ako ng bigo T_T

Besprend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon