3rd periodic test namin ngayon. Sya nag seatmate ko. So inspired ako (ookkkaaayyy angg lanndii kkooo.. hayaan nyo na. Sa kanya lang naman) pagkakatapos ng isang test nagtitigan lang kami. Tapos nung natapos na namin ang lahat ng tests. Nag usap na kami. Naglaro kami ng chain reaction. Kainis di ko sya matalo. nakaupo ako habang sya nakalean malapit sakin so magkalapit kami pati mukha at dahil masyadong mapagbigay malisya ang mga kaklase namin. Ang sweet daw namin at kami na daw. what the----. Pero deep inside. Shet totoo talaga yun? Di ko napansin na ganun pala kami kalapit. So uwian, pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko kasi gagawa kami ng interview. Pero magkausap parin kami sa phone. kahit critical na yung battery life ko, magkausap pa rin kami. Nung pauwi na ko, nalaman ko na hindi pa din pala sya nakakauwi. So nagkita kami. Pagpunta ko dun hindi ko agad sya nakita so pumunta ako sa pinakataas. Alam kong dun ko sya makikita. Pag akyat ko nakita ko agad sya at sinamahan nya agad ako bumaba. Walangya iniwan ang mga kasama nya. Habang pababa kami Hinabol kami ng mga kasama nya which is mga kaklase din namin. Pagkalabas namin. Walangya iniwan kami. So kami na lang.
"Sooo saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko kasi parang medyo akward.
"Hmm. Ewan ko. Sa bahay nyo?" Seryoso nyang sagot
"Eh!? Seryoso? Gagawin natin dun? Kasi naman eh! Nang iwan na lang bigla sina kuya bry at darren!" sabi ko
"Ihahatid kita sa bahay nyo!?" Nakangiti nyang sagot
"Ihahatid? Bakit naman? Kaya ko naman mag isa! Ah alam ko na! Samahan mo na lang ako bumili ng milktea please!" nakangiti kong sabi sa kanya.
So naglakad na kami papunta sa milktea shop. Magkausap lang kami habang naglalakad.
"So saan na tayo pupunta?" Tanong ko ulit pagkatapos namin bumili ng wintermelon milktea.
"Sa inyo nga!" Seryoso nya ulit na sagot.
"Eh!? Bakit ba kasi gustong gusto mo pumunta samin!?" Nagtataka kong tanong.
"Ihahatid nga kita!?" Sagot nya.
"Ok!" Nakangiti kong sagot. Emegesh kinikilig ako
Naglakad na lang kami papunta sa amin para mas mahaba ang usapan namin. Kung ano ano ang nalaman namin sa isa't isa. Nung malapit na kami sa bahay eh parang ang akward na ulit.
"Saan ba talaga bahay nyo?" tanong nya kasi kung ano ano ang tinuturo ko sa kanya.
Lampas na kami sa bahay ko nang sagutin ko ang tanong nya.
"Lampas na! Yung nadaanan natin kanina." Nakangiti kong sagot.
"Luh? Tara balikan natin. Ihahatid na kita!" Sabi nya.
"Hindi na. Ihahatid kita sa may sakayan tapos saka ulit ako uuwi!" Nakangiti ko ulit na sagot sa kanya habang pinipigilan ko sya bumalik.
"Luh!? Ano ba yan! Hinatid kita tapos hinatid mo ko! Parang wala din!" Seryoso nyang sagot. Parang nagagalit sya na naiinis.
"Sorry na" nakangiti kong sagot sa kanya. Ayaw kong magalit sya sakin noh.
Nung malapit na kami maghiwalay eh nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Bye. Ingat. Thanks" nakangiti kong paalam sa kanya
"Bye" nakangiti nyang sagot at kumaway na.
Pagtapos nun eh magkatext agad kami
![](https://img.wattpad.com/cover/66320025-288-k797203.jpg)
BINABASA MO ANG
Besprend
Não FicçãoNaging parte na sya ng buhay mo. Lahat ng bagay halos connected sa kanya. Mahalaga sya sayo. Masaya kayo, madalas kayong magkasama at laging magkausap kaso isang araw bigla na lang nagbago lahat..... iniwasan ka na lang nya bigla, hindi kinausap!? P...