Ilang araw na kong message ng message sa kanya. Halos isang buwan na kong nagmemessage sa kanya pero ni isang tuldok wala akong natanggap. Tinulungan na ko ni Jang, Shai, Laine, Te tanya... lahat na ata tumulong sakin pero wala pa rin.
Sabi sakin ni Jang na ayaw daw ako kausapin ni Ralph.
Im currently talking to Shai. Hayst ito talaga yung kaibigan na napakahilig akong paiyakin.
Hayst di ko alam kung KAYA KO BA TALAGA? natatakot kasi ako na sabihin nya ngang DI NA NYA KO MAHAL!
Nag isip muna ako ng ilang beses bago sya imessage hanggang sa buo na ang desisyon ko na imessage sya..... para sa ikakaunlad ng Pilipinas xD char lang.
So ayun nga minessage ko na sya...
"Hi BESPREND!! hmmm sorry kung sobrang kulit ko ah... sorry kung lagi akong message ng message sayo.... sorry kung lagi kitang ginugulo at kinukulit.... sorry sa mga pang aasar ko sayo... sorry sa mga nagawa kong mali sayo.... pero thank you sa lahat ah.... thank you kasi DATI lagi kang nandyan para sakin..... lagi kang nandyan para pakinggan yung mga drama at kabaliwan ko.... lagi kang nandyan para suportahan ako.... DATI pero naniniwala pa rin ako na ginagawa mo pa rin yang ngayon sa ibang paraan nga lang.... thank you sa pagiging doctor, teacher ko at lahat lahat na.... all in one ka na! at higit sa lahat.... THANK YOU KASI NAGING BESPREND KITA.... THANK YOU SA PAGMAMAHAL, PAG AALAGA, EFFORTS, SACRIFICES, MEMORIES... NANINIWALA AKO NA GINAGAWA MO TO PARA SA IKABUBUTI NATIN!?
SABIHIN MO LANG NA HINDI MO NA KO MAHAL AT WALA NA TALAGA TAYONG PAG ASA.... TITIGILAN NA KITA! HINDI NA KITA ICHACHAT, HINDI NA KITA KUKULITIN.... KAHIT DITO MO LANG SA CHAT SABIHIN..... KAHIT MASAKIT!? PIPILITIN KONG KAYANIN... BASTA SABIHIN MO LANG NA HINDI MO NA KO MAHAL!?
PERO LAGI MONG TATANDAAN. AT SANA WAG MONG KAKALIMUTAN... NA MAHAL KITA. YUN LANG.. BYE BESPREND!!!
HIHINTAYIN KO ANG RESPOND MO!"
Umiiyak ako habang tinatype yan... Di pa sya online. Pagkatapos ko yan itype... binuksan ko ulit yung memory box ko at kinuha dun yung singsing. Lahat bumalik..... yung unang beses nyang hawakan ang kamay ko, yung mga panahong hinahatid nya ko sa bahay, yung panahong araw-araw, minu-minuto ko syang katext..... lahat lahat..... wala akong ibang magawa kundi umiyak.....
After 2 hours...
Di ko namalayan na nakatulog pala ako kanina habang umiiyak. Kakagising ko lang.... binuksan ko agad ang account ko pero di nya parin naseen at di sya online.
Kaya kinausap ko na lang muna ang mga Besties ko xD hanggang sa hatinggabi na hindi pa rin sya online. Hayst bukas ko na lang sya ulit hihintayin.
BINABASA MO ANG
Besprend
Não FicçãoNaging parte na sya ng buhay mo. Lahat ng bagay halos connected sa kanya. Mahalaga sya sayo. Masaya kayo, madalas kayong magkasama at laging magkausap kaso isang araw bigla na lang nagbago lahat..... iniwasan ka na lang nya bigla, hindi kinausap!? P...