Chapter 28: Muling pagkikita?

22 0 1
                                    

Nasa room ako ngayon kasama ang mga kaklase ko. Wala kaming klase kaya may sari-sariling mundo kami.....

Nakaupo lang ako at kung ano anong iniisip nang mapalingo ako sa likod at nakita ko si..............Ralph!??

Totoo ba tong nakikita ko? Unti unti akong naglakad palapit sa kanya. Nang mapansin nya na palapit ako, tumayo agad sya at akmang aalis kaya naman tumakbo agad ako para pigilan sya.

"Wait. Gusto lang sana kitang makausap. May gusto lang akong sabihin sayo" pakiusap ko kay Ralph.

Mukhang pinagbigyan nya aag hiling ko at umupo sya.

Agad kong pinaliwanag sa kanya ang lahat at tinanong ko rin kung bakit nya ko iniwasan noon.

Di ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Nakasubsob lang ako sa braso nya at paulit ulit na tinatanong sa kanya kung bakit nya ko iniwasan.

Iyak lang aao ng iyak nang maramdaman kong may tumulo sa braso ko at doon ko nalaman na umiiyak din sya. Humingi sya ng tawad.

"Wag ka nang aalis ah. Wag mo na ulit akong iiwan!?" Sabi ko sa kanya

Tumango sya bilang pagsang ayon.

Magkasama lang kami buong maghapon.

Oras na para umuwi..... natatakot ako kasi baka hindi ko na ulit sya makita at umalis na naman sya at iwan ako...

"Ate, gising na!" Sabi ng isang boses... alam ko to si Cass.

Agad akong nagising. Wooohhhh isa lang palang panaginip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Besprend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon