Chapter 1: SWEET DECEMBER

79 3 0
                                    

Nagsimula kami maging close nung lumipat ako ng upuan malapit sa kanila kasi naboboring ako sa likod. Nun ko sya nakabiruan. lagi naming hinahampas ang braso ng isat isa. Naging araw araw na kulitan na namin yun. Dahil dun naging close na kami. Kaibigan ko din kasi ang EX nya kaya madalas ko din syang naasar.

fastforward.....
hiniram nya ang phone ko kasi daw maglalaro sya so binigay ko sa kanya. Nung kukunin ko na... nasa contacts na sya. Nakakapagtaka kaya I checked my phonebook. Nagulat ako nung nakita ang pangalan nya sa phonebook ko. Tinanong ko sya kung sa kanya yung number at bakit nya sinave yun pero sa halip na sagutin nya ang tanong ko eh nginitian nya lang ako. Baliw talaga.

Kinabukasan....

December 15 ang date ngayon. Hindi ko inakalang may mangyayare ngayong araw na to. Sinimulan ko ang araw ko ng normal, simple. Nag open ako ng fb ko and check my notif and browse my timeline. Nabored ako kaya chinat ko sya. Tinanong ko ulit sya kung sa kanya yung number and finally sinagot nya rin..... sa kanya daw. Napag usapan din or mas tamang sabihin na pinagtatalunan namin ang forever sa chat hanggang sa nagpaalam na sya na mag oout na sabi nya text na lang daw. So tinext ko sya at ang topic namin--- forever pa rin.

Me: Wala talagang forever
Sya: meron

Yan lang ang paulit ulit naming sinesend sa isat isa. Hanggang sa nabago ang topic nang bigla syang nagtext ng iba

From: asdfg
may tanong ako sayo! Seryoso

Nacurious ako sa itatanong nya kaya agad akong magreply.

To: asdfg
Ano?

Nagreply agad sya sabi nya kung nakailang boyfriend na daw ako so sinabi ko naman 1 pa lang. Tinanong ko sya kung bakit. ang sabi nya lang eh dahil daw gusto nya mapatunayan ang forever. Ako namang si ateng slow nagreply ng "anong connect?" Sabi nya wala at dahil makulit ako pinilit ko parin itanong kung bakit then kinabahan ako nung mabasa nag reply nya..

From: asdfg
Kasi gustokong pumangalawa sa kanya

Pagkabasa ko nun.... ewan ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko maintindihan ang meaning ng text nya so nagreply ako ng "huh?". Ang sagot nya..... "slow mo!". Isang katotohanan. Pasensya na kasalanan ko bang slow ako. So hindi ko parin nalalaman kung bakit at nagulat ako sa dahilan nya.

From: asdfg
Gusto ko sana manligaw

Pagkabasa ko nun. Nagulat ako kasi never ko naisip na magkakagusto sya sakin tsaka duh!? EX sya ng kaibigan ko. Then he asked me kung pwede manligaw..... naguguluhan ako kasi yun na nga EX sya ng kaibigan ko. So sabi ko na lang di ko alam... itatanong ko pa sa kaibigan ko. So chinat ko agad ang kaibigan ko and tell her the whole story. Sabi nya okay lang daw... matagal na daw silang wala...

So pinayagan ko na sya manligaw.....

Besprend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon