Chapter 21: Pagbalik

25 2 0
                                    

Nagkakamabutihan parin kami ni Marlo. Hindi pumasok si Marlo ngayon. Nagkakita kami ni Geca, niyaya ko syang pumunta kina Kuya Bry para tignan kung nandun sila pero walang tao sa court kaya tumawag na lang kami sa tapat ng bahay nila.

Sinundo namin si Kuya Bry at niyaya pumunta kina Jai.

"Pumunta kami sa court eh! Kala namin naglalaro kayo dun! Sabi nyo papasok kayo ng 8!?" Sabi namin kay Kuya Bry.

"Wala nga eh! Di dumating si asdfg!" Sagot nya samin.

Pagkarinig ko nun ay nalungkot ako.... ano tong nararamdamn ko? Sinukuan ko na sya ah. di pwede!

Pumunta na kami kina Jai... usap usap lang. Nagulat kami ng biglang may pumasok..... si asdfg

Bakit ganun? Ano tong nararamdaman ko? Bakit ganito ang puso ko? Pagkakita ko sa kanya.... parang nagbabalik lahat. Bahala na nga!

Hindi ko na lang muna pinansin yung kakaiba kong nararamdaman... nag uusap lang kami dito kina Kuya Jai hanggang sa mapag usapan namin yung birthday ni Jai.

"Hahaaha naalala nyo pa nung birthday ni Jai! Dito yung pansit tapos dito yung softdrinks!" Paliwanag ko sa kanila.

"Masaya talaga yun. Kasama sya eh!" Sagot ni kuya bry. alam ko may ibig syang sabihin dun sa sinabi nya. Yung kami ni asdfg.

Ngumiti na lang ako.

Bakit ganun? Apektado parin ako sa kanya? Bakit umaasa parin ako na mag uusap kami?

Usap lang kami ng usap dito sa bahay nina Jai hanggang sa nawawala na yung akwardness sa amin at nagiging topic na namin yung mga kalokohan NYA dati.

Hanggang sa nagkahanapan na ng phone ni Jai. Nagkalkalan na ng bag. Lahat ng bag nakalkal na pero wala... nakanino kaya yun? Kinalkal din ni Geca ang bag ni asdfg. Binuksan nya ang bulsa at nilabas nya yung ID ni asdfg.

"pero eto talaga yun eh!?" Sabi ni Geca habang pinapakita ang picture ko sa ID nya.

Tinignan ko lang ang ID nya at nakita ko din yung singsing. Ngumiti na lang ako.

Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko? Bakit parang ang saya ko nung nakita ko yung picturebat singsing na nasa kanya pa rin?

Binalik na ni Geca yung bag ni asdfg. Nang bigla silang may pinagtatalunan na 100 peso bill na bago daw at iba yung kulay kaya hiniram ko at kinompare sa 100 peso bill ko. Oo nga... iba nga.... mas violet yung kay asdfg. Hinawakan ko lang at hindi ko na binalik.

Pinipilit kunin sakin ni Jai yung pera pero ayaw ko ibigay. HHaha alam ko hindi nya to mahihingi sakin kaya nung lumabas sya, nilagay ko sa bag nya yung 100 peso bill pero di talaga yun yung pera nya... pinalitan ko.... remembrance!

Hanggang sa magkayayaan na kami umuwi. Kala ko sasabay sya samin ni Kuya Bry pero humiwalay sya.

"Nagseselos yun! Ganun yun eh pagnagseselos!" Sabi ni kuya bry

"Huh? Bakit naman? Hindi yun!" Sabi ko sa kanya.

Naglalakad lang kami.

"Kanino naman sya magseselos? Alangan namang sayo?" tanong ko sa kanya

"Pwede! Kahit kanino naman pwede magselos eh!" sagot nya.

"Ge bye na! Ingat ka kuya!" Paalam ko kay Kuya Bry

"Ingats ka! Bye!" Sagot nya.

Ewan ko pero bumalik lahat.... lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Ayoko sya sukuan... gusto ko pa syang ipaglaban!

Besprend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon