Hmmm nag iiwasan parin kami. Pero ngayong araw. Napagdesisyonan ko na kausapin sya. Tumabi ako sa upuan nya at kinausap sya.
"Hmm mag uusap daw tayo?" Pabiro pero nahihiya kong simula.
Binaba nya agad ang phone nya at humarap sya sakin. Aaminin ko nakakakilig naman yun. tinigil nya aag ginagawa nya para sakin. Hanggang EDSA na ata ang buhok ko xD tsaka kasi medyo malapit din sya sakin. Nakatingin lang sya sakin. Emegesh hustisya naman sa kilig cells ko.
"Hmmm sabi nila di daw dapat natin iwasan ang isat isa kasi magkakaroon tayo ng maraming regrets!" Kinakabahan ko ng sabi. Yung puso ko na naman.
Tumango lang sya bilang sagot.
"Hmm pero kung ayaw mo okay lang naman!" sabi ko sa kanya.
Hindi sya sumagot.
"Kausapin mo naman ako. Ano yun? Ako lang magsasalita?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede. sige lang magsalita ka lang. Makikinig lang ako sayo." Seryoso nyang sagot.
And me be like: seriously!? Muntanga naman ako.
"Eh!? Kausapin mo naman ako." Pangungulit ko sa kanya.
Pero sa halip na sagutin nya ako eh. Hinawakan nya lang ang kamay ko. At sumandal sya sa balikat ko. Nagkatinginan lang kami. Pwede bang patigilin ang oras? At dito na lang kami? Kaso epal yung teacher namin. Dumating agad.
Me be like: enebe! Cant you see! may moment kami.
BINABASA MO ANG
Besprend
Non-FictionNaging parte na sya ng buhay mo. Lahat ng bagay halos connected sa kanya. Mahalaga sya sayo. Masaya kayo, madalas kayong magkasama at laging magkausap kaso isang araw bigla na lang nagbago lahat..... iniwasan ka na lang nya bigla, hindi kinausap!? P...